36

17 2 0
                                    


KASALUKOYANG abala ang lahat sa pagaayos para sa noche buena, kasama sina Louxiereign, Jihyun at Lance. Narito kami sa bahay ni Axel at naisipang magsama-sama na lang, dahil iyon rin naman ang aking gusto. Sina Louxiereign at Jihyun ang nag decorate sa buong buhay, habang si Lance naman ay tinulongan si Axel at si manang sa pagluluto.

At ako? Kasama ko si Khalil. Ako ang nagbabantay sa kaniya ngayon, nasa sala kami habang nakikipaglaro ako sa kaniya. Ito rin ang gusto nila, ang magpahinga ako dahil sila na raw ang bahala. Iniisip ko na ginagawa nila ito upang pasayahin ako, sa kabila ng lahat na aking pinagdaanan.

Malapad akong napangiti nang marinig ko ang hagikgik ni Khalil. Pinagpatuloy ko lang ang pakikipaglaro sa kaniya, habang nakangiting pinagmamasdan siya. Nakita kong abala siya sa kaniyang isang laroan kaya naman doon ako nabigyan ng pagkakataon upang tawagan sina Nanay Merced.

[Yoona! Kamusta ka na riyan, anak ko? Bakit ngayon ka lang tumawag sa amin, ah!] Iyon agad ang bungad ni Nay Merced sa akin nang sandaling sagotin niya ang aking tawag.

"Pasensya na po, Nay. Masyado po akong busy, kaya sorry po kung hindi ko ka'yo natatawagan araw-araw.. Merry Christmas po pala sa inyo, miss ko na po ka'yong lahat, Nay!" May ngiti kong sinabi, narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

[Ito ang kauna-unahang pasko na hindi ka namin kasama, naghahanda na nga kami dito para sa noche buena. Tawagan mo na lamang kami mamaya, ah? Merry Christmas din sa'yo, anak. Pakisabi na rin pala sa mga kaibigan mo na binabati ko sila at miss ko na silang lahat!]

"Mommy! A-ayaw niyo na po ako laroin?" Singit ni Khalil, napahinto naman ako nang dahil do'n. Hindi dahil sa kaniyang sinabi kun 'di dahil alam kong narinig ni Nanay Merced ang pagtawag ni Khalil sa akin.

[Mommy? Sino ang batang iyan, Yoona! May anak ka na agad? Hindi man lang sinabi sa amin, jusko kang bata ka..] Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lamang narinig ang gano'ng salita ni Nanay, animo'y stress at hindi makapaniwala sa narinig.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pinipigilan ang aking sarili na ngumiti. "Nay ano po kasi, ano-----"

"Hi, Nay Merced! It's been a long time, kamusta po ka'yo? Si Axel po ito.." Napadako ang aking mga mata nang biglang hablotin ni Axel ang aking hawak na telepono at sinabi iyon kay Nanay, dahilan kung bakit hindi natuloy ang dapat kong sasabihin.

Pinandilatan ko siya ng aking mga mata, ngunit malapad niya lang akong nginitian. Pinalakasan niya pa ang volume ng aking telepono upang marinig ko ang sasabihin ni Nanay Merced.

[Axel? Axel! Nestor si Axel, magkasama sila ngayon ni Yoona!] Unti-unti akong napangiti nang marinig iyon mula sa kabilang linya, halatang napakasaya ni Nanay habang sinasabi iyon kay Tatay Nestor.

"Magkasama po kami ngayon ni Yoona, Nay, Tay. Huwag po ka'yong magalala dahil simula ngayon ay hindi ko na hahayaang masaktan siya ulit, alam ko pong masyadong mabilis pero nakapagplano na po kaming magpakasal. Hihingin ko na po ang kamay ng inyong anak, sana po ay payagan ninyo ako dahil pinapangako ko pong hindi ko na siya papaiyakin ulit, hindi ko na siya susukoan. Bagkos ay mamahalin ko siya habang buhay, hanggang sa kabilang buhay." Lintanya ni Axel, na siyang hindi ko inaasahan. Kaagad na nagbago ang aking reaksyon, maging sina Louxiereign ay napahinto. Lalapit sana sila sa amin upang makichismis ngunit dahil sa sinabing iyon ni Axel ay napahinto kaming lahat.

Hindi narinig ang sagot ni Nay Merced, sigurado akong maging sila ay nagulat rin sa mga sinabi ng lalake.

[Alam naming darating talaga ang araw na iyan, wala naman kaming ibang gusto kun 'di ikaw lang. Ikaw lang ang para sa aming anak, oh kailan ba ang kasalan nang makauwi na kami diyan!] Sagot ni Nanay Merced, narinig ko ang pagtawa ni Tay Nestor mula sa kabilang linya.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now