3

40 7 0
                                    

Kasalukoyang naglalakad ako sa hallway habang bitbit ang aking libro. Kapag may libre akong oras ay binabasa ko ang medical books na naiwan ni Daddy.

"Ms. Tulong!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napaawang ang aking labi nang makita ang isang babae, isang Pharmacist Student.

Halatang hindi maayos ang kaniyang kalagayan. "Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko, nang sandaling makalapit ako.

"Nahihirapan akong huminga!" Aniya, agad ko siyang inalalayan at pinaupo ko siya sa upoan na nasa gilid lang ng daan.

"Sandali lang." Sabi ko, kinuha ko ang aking stethoscope mula sa loob ng aking bag at isinukbit ko iyon sa aking leeg, agad kong chineck ang kaniyang paghinga. "Please take a deep breath, Ms." Sabi ko na agad niyang sinunod.

Humugot siya ng malalim na hininga, nagulat ako ng mapagtantong hindi iyon normal. "Mahina ang tibok ng puso mo."

I was surprised when she suddenly lost consciousness. I checked her pulse on her chest again but I couldn't hear anything. Kinalma ko ang aking sarili, inilagay ko ang aking bag sa sahig at inihaga ko ang babae ng maingat.


Hindi na siya aabot sa clinic. I need to perform CPR. Sinimulan kong i-pump ang kaniyang dibdib. Habang ginagawa ko iyon ay huminto ako saglit para pakinggan muli ang kaniyang pulso ngunit wala pa rin akong narinig.

Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa, sumigaw ako para humingi ng tulong at nang ilibot ko ang aking paningin ay agad na nagtama ang paningin namin ni Axel.

"Stacey, anong nangyari?" Agad siyang lumapit sa gawi namin. Napansin kong nasa amin na ang atensyon ng ibang tao ngunit binalewala ko iyon.

"Tumawag ka ng Doctor! Nag cardiac arrest sya!" Singhal ko.

He sighed. "No need. Tabi, ako na ang magpapatuloy." Mahinahon ngunit seryosong turan niya.

Gumilid ako gaya ng kaniyang sinabi. Ipinagpatuloy niya ang pagpump sa dibdib nong babae, ako naman ay inilibot ko ang aking paningin, saktong may papalapit sa aming nurse.

"Kailangan namin ng Defibrillator!" Agad siyang tumango at umalis sa aking harapan nang sabihin ko iyon sa kaniya.

Hindi ko pinansin ang bulongan ng mga taong nakatingin sa amin ngayon, lumuhod ako upang pantayan si Axel. Humahangos siya at pansin ko ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga pawis. Huminto siya upang i-check ang pulso nong babae pagkatapos ay nilingon ako.

"The heartbeat is back for now. But the heart is failing. She needs a surgery right now." Sabi niya, agad akong tumango. Kinarga ni Axel 'yong babae at tumayo. Kasabay no'n ang pagdating nong nurse, dala-dala ang defibrillator. Napansin kong hindi siya nagiisa, may kasama na siyang Doctor. Mabilis silang naglakad palapit sa amin.

"Bumalik na ang pulso niya pero kailangan niya ng agadang operasyon, Doc." Magalang na sabi ko.

She nodded. Inihiga ni Axel 'yong babae sa stretcher at kaagad iyong itinulak ng nurse patungo sa OR.

"Good job, MS4." Nginitian kami nong Doctor kaya tumango kami ni Axel sa kaniya, pagkatapos niyon ay umalis na
siya sa aming harapan.

Humahangos akong kinuha ang aking bag at inilagay ko sa loob niyon ang stethoscope, maging ang librong hawak-hawak ko kanina. Nang masiguro kong wala mg gamit na nalaglag ay isinukbit ko na ang bag sa aking likoran.

"Anong symptoms ng pasyente?" Narinig kong tanong ni Axel, nilingon ko siya.

"I noticed that her feet were swollen and she was also having trouble breathing. She was behind me earlier and when she asked me for help, nahihirapan siyang huminga." I answered, seriously.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now