31

12 3 0
                                    


Nang sandaling makarating ako ng Hospital ay dumirityo ako agad sa opisina ni Doc Tommy. Mabuti na lang ay nadatnan ko siya, upang makapagusap din kami ng kaming dalawa lang.

"Pasensya na po, may nangyari kagabi kaya hindi ako nakapunta sa bahay mo.." Magalang kong sinabi, nilingon niya ako.

Agad siyang lumapit sa akin. "Alam ko na ang nangyari.. Mabuti na lang at hindi ka umuwi kagabi!" Nagaalalang sabi niya, tipid akong ngumiti at tinangohan siya.

Pareho kaming umupo sa kaniyang couch.

"Alam ko pong may ideya kana rin kung sino ang gumawa no'n sa akin. Nagsisimula na sila, kaya sasabayan po natin ang larong gusto nila Doc.." Sa pagkakataong iyon mas naging seryoso na kami.

"May naisip na po akong plano. Iyon ang gagamitin ko bilang pabalik na pagbati, regalo ko sa kanila sa pasko.." Aking lintanya ng seryoso, at ngumiti.

"Anong plano?" He asked.

"Naalala ko po noon ang sinabi ng President, na gagawin niya ang lahat bilang kapalit sa pagligtas natin sa kaniyang mga anak. Naisip kong humingi ng tulong sa kaniya upang tuloyan ng mahiwalay ang SLMC sa Main Hospital, at papalitan na 'tin ng pangalan ang Hospital na ito.." Aking paliwanag, bakas ang pagkagulat sa kaniyang reaksyon.

Unti-unti siyang napangiti at tinangohan ako. "Talagang matalino kang bata, huwag kang magalala sasamahan kitang kausapin ang Presidente." Sabi niya, na siyang nginitian ko.

"Kapag nangyari 'yon, ipapaalam ko na sa lahat kung sino talaga ako. Ipapaalam ko sa kanila na ako ang nagiisang anak ng Great Surgeon, ibabalik ko ang pangalan ni Daddy sa industriya!" Seryoso at may diin kong sinabi, agad akong tinangohan ni Doc Tommy.

"Personal nating puntahan ang pangulo. Nang sa ganon, mapagusapan na'ting mabuti ang plano mong i-request sa kaniya. Sigurado akong sasabog sa galit ang magamang iyon.." Aniya, humalakhak siya kaniyang huling sinabi.

I nodded. "Hindi lang po 'yon. Nakumbinsi ko si Axel na magtrabaho sa Hospital na ito, kapag nalaman iyon ng ama niya sigurado akong mas magagalit siya.." Nakangiti kong sabi. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang marinig iyon.

"N-ngunit paano mo iyon nagawa?" Tanong niya, uminom ako ng kaniyang hinandang tyaa bago sagotin ang kaniyang tanong.

I breathed sharply. "Kapag nagpakasal ako sa kaniya, gagawin niya ang sinabi ko. Kapag nagpakasal ako sa kaniya ay tutulongan ko rin siyang makawala sa pinagkasundoang kasal para sa kanila ni Mavis, hindi lang 'yon. Tutulongan ko rin siyang pagalingin ang anak niyang si Khalil. You see? Wala rin naman kaming pinagkaiba, wala siyang papanigan kun 'di ang sarili niya ding dahilan.." Aking lintanya, napabuntong hininga siya at tinangohan ako.

"Magaling na Doctor ang batang 'yon, sa simula pa lang ay nakikita ko na hindi niya namana ang ugali ng kaniyang ama. Nakakaawa, ginamit lang siya ng kaniyang ama para sa kasamaan.." Komento niya sa aking sinabi, hindi ko siya sinagot sa halip ay tipid lang na ngumiti.

"Anyway, magkita na lang po tayo mamaya sa labas ng Hospital. Sa akin na po ka 'yo sumabay papunta sa President, sisimulan na po na 'tin ang unang hakbang.." Seryoso kong sinabi. Agad niya akong tinangohan, na siyang ikinangiti ko.

Humanda siya. Dahil nararamdaman ko, malapit na ang kataposan niya. Ipaparamdam ko sa kaniya ang sakit na ipiniramdam siya sa aking ama. Ako naman ang babawi sa lahat ng kinuha niya, lahat ng inagaw niya.

THE DOCTOR'S REVENGE Where stories live. Discover now