PROLOGUE

4.1K 61 0
                                        

JIA'S POV

Kanina pa ako kinakabahan, dahil ngayong araw ay ang audition para sa kanya kanyang club na sasalihan ng bawat Estudyante dito sa Don Mercado State University.

Required kase na kada Estudyante ay may sasalihang Club. Pero ako ay walang maisip na Club na sasalihan dahil 1st year College palang naman ako at hindi ko alam kung anu anong club ba ang meron dito.

Noong High School ay Kasali ako sa Journalism club dahil isa iyon sa hilig ko. Pero ngayong nag College na ay gusto ko namang subukan ang iba kaya heto ako ngayon sa harap ng Music Room. May ibubuga naman din ako pagdating sa pagkanta pero hindi ko lang magawa noon dahil naka focus ako sa pagiging Journalist.

Extrovert naman akong tao kaya madali na para sakin ang subukan ang mga bago. Nakakatugtog naman din ako ng mga instrument. Sa katunayan nga ay mas hilig ko ang piano sa lahat ng instrument na meron ako sa bahay.

At dahil kasisimula palang din ng klase ay wala pa akong masyadong nakakausap dito. Pati sa mga kaklase ko ay wala pa akong masyadong ka close.

"Mag jjoin ka din ng Music Club?" biglang tanong nang kung sino mula sa likuran ko.. dahil nga pabago bago pa ko ng isip kanina kaya nasa pinakahuli pa ko ng pila. Paglingon ko sa nagtanong ay nakita ko ang isang babae na pamilyar ang mukha. Kaklase ko sya sa kursong Arkitekto. Jan ata ang pangalan nito.

"Ahh Oo sana, sa Journalism sana ko kase yun ang club na sinalihan ko noong high school kaso gusto ko mag try ng bago" sagot ko

"Nice atleast may kakilala na ko if ever. Classmate tayo right? I'm Jan Tracy Lim nga pala but you can call me Jan" sabi nito sabay lahad ng kamay sa akin . Agad ko naman ding inabot ang kamay nito.

"Jerian Lee Robles naman pangalan ko pero Jia nalang for short. Ikaw yung sinabi na half Filipino half American diba? Based on your Surname kase"

Tumango naman ito at nahihiyang ngumiti sa akin. Nagpatuloy lamang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa hindi namin namalayan na papalapit na kami ng papalapit sa pinto ng Music room.

Nang ako na ang Next ay nagpaalam ako saglit sa kanya..

"Goodluck Jia, kita tayo after nito ahh"

"Of course, thankyou and goodluck to you too later" muli lang itong ngumiti sa akin.

Hindi ko inaasahan na marami palang tao sa loob. Ang buong akala ko ay tanging mga judge or mentor lang ang nasa loob. Pati pala ang buong miyembro ng Music Club ay nandoon. Naging doble ang kaba ko ngunit nakakahiya naman kung ngayon pa ko magbaback out. Kung kailan nandito na ko.

Pilit kong ikinubli ang kabang nadarama at tipid na ngumiti sa mga tao. Bago ako pinakanta ay ininterview muna nila ako ng mga bagay bagay. At buong husay ko naman sinagot ang mga iyon.

Nang magsisimula na akong kumanta ay napako ang tingin ko sa isang babae na nakaupo hindi kalayuan sa pwesto ko. Mataman lang itong nakatingin sa akin at tahimik lang ito. Hindi nakikigulo sa mga kasama nito. Buong kanta ay panaka naka ay tumitingin ako sa gawi nya.
Maganda ang babae pero hindi ito tulad ng iba na hilig magsuot ng dress or croptop. Dahil kung pagbabasehan ko ang pormahan nito ngayon ay napaka swag nito. Meron namang ganoon hindi ba? Dahil ako rin naman ay ganoon. Doon ako komportable ehh. May mga time na nagsusuot ako ng dress pero kung kinakailangan lang din.

Pagkatapos ko ay pinalabas na muna ko dahil ipopost nalang daw ng mga ito sa bulletin board mamaya ng resulta kung pumasa ba kami o hindi. At gaya nang napag usapan namin ni Jan ay nagkita nga kame sa Canteen. Wala din itong masyadong friends dahil naka tira ang mga ito sa States at umuwi lang dito dahil ito ang gusto nya.

PAGSAPIT ng hapon, nang mai- announce ng SSC officer na nakapost na ang mga natanggap na estudyante sa kanya kanyang club na sinalihan ay dali dali kameng nagtungo ni Jan sa may Bulletin at makipagsiksikan sa mga estudyanteng nandoon.

Agad kong nakita ang pangalan ni Jan at itinuro sa kanya. Natuwa naman ito at sunod naming hinanap ang pangalan ko. Laking tuwa namin nang pareho kaming natanggap sa music club na sinalihan namin. At sa araw din na to ay naituturing ko nang unang kaibigan ngayong College si Jan. Madali naman din kase itong pakisamahan at mabait din ito d gaya ng una kong kita sa kanya. Dahil siguro sa makapal ang kilay nito kaya feeling ko noong una ay masungit ito, pero hindi. Ibang iba ito sa inaasahan ko.

Noong hapon din na yon ay pinatawag na kame para kilalanin ang iba pang miyembro ng Music Club. Kahit pala isang malaking grupo ito ay mahahati parin kame sa apat.

Feeling ko ngayong araw ay araw ko, dahil nang malaman ko palang na mahahati pa kame sa apat ay nagdasal na ko na sana ay makasama ko ulit si Jan. Dahil sya nga rin ang kilala ko dito at mukhang dininig naman din ang panalangin kong iyon dahil sa pangalawang pag kakataon ay magkasama parin kame sa grupo ni Jan. At napunta kame sa grupong nagngangalang "Himig".

Sa loob ng Music room ay hiwa hiwalay na ang mga dating miyembro at hindi namin alam kung saan kame doon dahil wala naman ding signage na nakalagay sa bawat grupo. Hanggang sa tawagin na ang mga kasali sa grupong kinabibilangan namen.

"Sa lahat po ng nasali sa team Himig dito po tayo" sigaw ng isang babae agad kameng napalingon kung saan nanggaling ang tinig na iyon.

Nakita nyang muli ang babaeng tahimik kanina. So ka grupo din namin sya marahil. Hindi nya alam kung bakit pero parang gusto nyang makilala ang babaeng ito at gaya din kanina ay tahimik lang ito at nakaupo sa isang tabi.

Hanggang sa makalapit kame sa gawi nila ay ganoon parin ito.

"Hi newbies, I'm Ara Arceta I'm the spokesperson in this group charot basta yun welcome to team Himig. O ano na guys pakilala na kayo sa kanina. Sila kilala na naman na naten" sabi pa nito sa iba pa nitong kasama.

Ganoon naman din ang ginawa ng iba.

"Glenda Louisse Apuli Civil Engineer student and 2nd year." Pakilala din ng isa pang babae na payat pero matangkad. Pwede nga itong maging model gaya ni Ate Ara.

"Ay wow dear kailangan din pala yon? But I like that. Uy Cley ikaw na. Masyado ka nanamang tahimik dyan. Mas matanda ka naman sa mga to kaya wag mo masyadong itago yang hiya mo. Hindi ka ganyan kapag tayo lang magkakasama" saad muli ni Ate Ara

So Cley pala ang name nya? Nice name ahh. Tipid itong ngumiti halata na nahihiya itong humarap sa maraming tao.

"Hmm, I'm Cley Laiden Vergara. And I'm Glen's classmate that's it" ang tipid naman din nitong magsalita. Akala ko maganda na ang pangalang Cley pero nung marinig ko ang buong pangalan nito ay napakaganda din gaya nya.

"For the Shy naman ang Cley namen. Pero yun nga newbies welcome again. From now on feel free to ask anything as your senior nandito lang kame to guide you. Walang matatanggal dito pwera nalang kung kayo mismo ang susuko gaya ng ginawa ko sa first course ko hahaha pero sana ay wala."

"Yup guys, Ara is a civil engineering student din last year classmate namin ni Cley but wala talaga doon ang puso nya kaya nagship sya into business add kaya balik first year din sya." Sabat naman ni ate Glen

Nagpatuloy lang kame sa pakikinig sa pagaasaran ng magkaibigan nang may mag tanong sa aming dalawa ni Jan

"Hello, dito daw yung team Himig? Katatapos lang kase ng last Subject ko ehh kaya na late ako"

"Ay opo" sagot ko

"Can i join to you? Wala kase akong kakilala dito ehh"

"Sure, come here. Wala pa namang ginagawa nagpakilala palang naman sila" si Jan naman ang sumagot

"Thanks, by the way I'm Yves. Melly Yves Ricalde ang full name ko."

"Im Jia and she's Jan." Sagot ko naman "Architecture students kame. Classmate. But ngayon lang din medyo naging close gawa ng Music Club"

"Nice, HRM student naman ako 1st year den kaya wala pa ko masyadong kakilala dito sa Manila. Taga Batangas talaga kame lumipat lang kame dito kase dito nakahanap ng trabaho si papa"

"Kung ganon Sama ka nalang din samen. We can be friends lalo na same group lang din naman tayo" sagot ko. Dahil nga extrovert ako lumalabas na ang pagiging friendly ko.

Meron na akong dalawang maituturing na kaibigan.

Ngayon bigla nalang pumasok sa isip ko si Cley. Parang gusto ko din itong maging kaibigan. At mangyayari yon dahil gusto ko charot

More than BeforeWhere stories live. Discover now