CHAPTER 22

889 29 0
                                        

Back to the Philippines

Napaaga ng onti ang flight namin pabalik dito sa Pilipinas. Balak kase naming surpresahin ang mga pamilya namin at isa pa ay baka mahirapan kaming maka secure ng ticket kase malapit na ang Christmas. Madami ang mga OFW na nagbabalik bayan para dito mag celebrate ng Christmas.

Sama sama parin kaming walo dito sa Naia. Ang nasabihan lang namin ay ang parents nina Cley, ate Ara at Glen. Sila lang din naman kase ang wala dito sa Luzon kaya non sense kung hindi pa namin ipapaalam na nakauwi na kame.

"Sa inyo muna tayo dumiretcho Ves?" Tanong ko dahil ang bahay nina Yves ang pinakamalapit sa kinaroroonan namin.

"Pwede naman then iwan nyo muna sa bahay yung mga bagahe nyo" tukoy nya kina Cley na sa Condo ang deretcho

"Pwede din, balikan nalang namin kapag nakuha na namin mga kotse namin sa condo"

"Nakapag book narin pala ako ng grab at dahil wala silang available na van. Apat na grab na nirequest ko by pair nalang siguro" saad ni ate Ara

"Shen no choice tayo ang partner. Siguradong bestfriends ang magkakasama. Diba Glen, Cley and Jan?" Napailing nalang ako dahil sa banat na yun ni Yves.

Siguradong kasama kase ni Jan ay si ate Ara, si Glen naman ang kasama ay si Star at ako kasama ni Cley kay no choice talaga silang dalawa kundi magsama.

"Goods lang ako kahit sino kasama ko. Uuwi lang naman ehhh" si Shen

"Hala may pagtatampo pang nalalaman. Sige na Yves tayo na Ang magsama kahit na ayaw mo ko kasama." Pagbibiro ko. Gusto ko man kasama si Cley pero baka maburo lang ako sa kanya hahaha at para hindi na rin magtampo si Yves. "Cley kay Shen ka na muna sumabay. Huwag mo ko masyado mamiss ahhh. Sa iisang bahay lang ang dako naten" asar ko pa kay Cley tyaka ako yumakap sa kamay nya.

"Sinong nagsabing mamimiss kita aber?"

"Wala sabi ko lang. So hindi mo ko ma mimiss?"

"Paano kita mamimiss kung bente kwatro oras kitang kasama. Nakakasawa na nga ehh" ganti nya

"Tama nga naman Ji hindi na nga kayo halos mapaghiwalay nitong si Cley ehh. Onti nalang iisipin na namin na mag jowa kayong dalawa."

Kinabahan ako sa sinabing iyon ni Shen. Ganoon na ba talaga ang tingin nila sa closene6namin ni Cley

"Yuckkk! Ako magkakagusto dito sa babaeng to? Mas straight pa nga ata to sa ruler ehh"

"Correction maski ruler napuputol. Kaya huwag kang magsalita ng tapos." Singit ni Glen

"Ay huwag nyo nga akong madamay damay sa kabadingan nyo no. At baka pati friendship namin nito ni Cley maging awkward sa mga sinasabi nyo." Sita kong muli

"And isa pa wala din akong gusto sa kanya ahhh.. special sya sakin at pinahahalagahan ko sya oo and I'll treat her as my little sister kaya ganon nalang ang pakikipag bardagulan ko sa kanya kaya stop nyo na yang kahibangan nyo."

Awtss sakit nun ahh. Ang sakit pala talaga kapag nakarinig ka ng rejection mula sa taong mahal mo. Gagi kase tong mga kaibigan namin ehhh. Imbis na payapa ang aking mundo sa tabi ng taong mahal ko ginulo pa nila pati utak ko.

Kahit na sabihin kong okay na ko sa kung anong meron kame. Ramdam ko yung kirot sa dibdib ko nang marinig ko yung sinabi nyang kapatid lang ang turing nya sakin.

Okay na sana ehh.. ang sarap na sa tenga yung mga katagang "special sya sakin at pinahahalagahan ko sya" pero ang sakit ng kasunod.

"Oo nga. At bakit ba tayo napunta sa usapang yan? Uuwi nalang oh" pag iiba ko sa usapan. Mabuti nalang at dumating na angga grab na maghahatid sa amin sa bahay nina Yves.

More than BeforeWhere stories live. Discover now