JIA'S POV
Maluha luha na ko dahil sa mga pinaggagagawa ni Cley. She didn't failed to surprise me everytime. Hearing those words? it feels so sureal. Wala akong magawa na kahit na ano. Dahil nakaharap pa kami sa mga kaibigan namin kaya sumandig nalang ako sa balikat nya at pinagsalikop ang aming mga palad.
Nakatambay nalang naman din kase kami dito. Naghihintay ng oras. Ang iba ay nauna na dahil maaga ang first subject nila sa hapon. Hindi ko alam kung paano ko gagantihan lahat ng effort na ginagawa ni Cley para sa akin.
"Thankyou" bulong ko
"Anything for you Jo" napakunot noo pa ko ng tawagin nya kong Jo
"Na typo ka ata" pagbibiro ko pa
"No"
"Eh ano yung jo?"
"Jo short for jologss"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya
"Sinong jologs??" Tanong ko sa kanya tyaka sya tinignan ng masama. Sya naman ay mahinang natawa lang.
"Joke lang. Malalaman mo rin soon kung ano ibig sabihin ng Tawag ko sayo. Baka kapag nalaman mo mamatay ka sa kilig" Nakangiting sabi nya tyaka nya binalik ang ulo ko sa balikat nya.
Ako naman ay nilalaro laro ang palad nya na nakapatong sa lamesa. Naramdaman kong isinandal nya rin ang ulo nya sa ulo ko.
Wala kaming pake sa taong nasa paligid namin. Pati mga kaibigan namin na kasama namin ay hindi namin iniintindi. Panaka naka ay inaasar nila kame pero binabalik lang ni Cley sa kanila ang pang aasar. Ang hilig asarin ni Cley ngayon ay si Yves.
Alam ko kase na nagiguilty sya sa nangyari sa aming tatlo nina Shen gusto pa nga nyang lumayo sa amin ehh kase nasisira daw nya yung samahan namin. Pinagulo daw nya lalo. Alam din ni Cley yun. Kaya ganito ang ginagawa ni Cley para hindi maisip ni Yves na may kasalanan sya sa nangyari sa amin. Hindi namin pinaparamdam sa kanya na may lamat na. Kung ano kami noon ganoon pa rin kami hanggang ngayon.
Dapat pa nga kaming pasalamat sa kanya ehh. Kung hindi dahil sa kanya hindi kami matatauhan para pareho. Hindi kami aabot sa kung anong meron kami ngayon.
"Guys what about gala tayo this weekends?" Suggestion ni ate Ara
"Free ba tayong lahat? Baka naman may gustong magsolo dyan sa weekend ehh" pagpaparinig pa ni Jan
"Pwede namang magsolo pagdating don ang mga may jowa diba mare?" Pang aasar pa ni Glen. "Ay hindi pa pala sinasagot. Diba ate Ara?"
"Buang, sinong apektado? Tignan mo Glen tignan mo?" Balik asar ni Cley habang angat angat ang kamay namin na nakasalikop. Si Glen naman ay napabusangot habang ang mag jowang Jan at Ate Ara ay tatawa tawa. Si Yves? Ewan ko kung anong ekspresyon ng mukha nya haha.
Nauna nang umalis sa amin sina Shen at Star na mga 3rd year student. Kami kaseng anim ay graduating na kaya oonting Schedule nalang ang meron kame.
"Sabi ko nga. Ang hirap talaga asarin ng isang Cley kapag inlove. Babalik at babalik sayo." Naiiling na sagot nalang ni Cley
"Ayan kasi hanap ka na kase ng sayo. Sa ating tatlo ikaw nalang wala oh. Hanap mo ba guy? May kilala ako bigay ko sayo number"
Sa sinabing yon ni ate Ara ay Natawa kami ng malakas ni Cley. Para kaming mga sira na nagkasundo sa pagtawa. Napatingin kase kami kay Yves nang sabihin ni ate Ara na guy na lalong ikinalukot ng mukha nya
"Ate Ara stop hahaha."
"Bakit may mali ba sa sinabi ko?" Naguguluhang tanong nya
"Maling mali hahahah" si Cley ang sumagot
