CHAPTER 21

875 27 5
                                        

After Jan's confession hindi na namin muli pang napag usapan ito. Para din itong naging ilap sa amin lalo na kay ate Ara.

Hindi kami nagpatinag sa kanya. Kami ang gumagawa ng way para maibalik yung dating Jan na kaibigan namin. Wala naman kaseng bago sa kanya. Kung ano sya noon ay ganoon pa rin naman sya hanggang ngayon. Nalaman nga lang namin yung mga story behind that.

One time before we go back to the Philippines I talked to her. All of our friends are busy. Nag iimpake na kase kame. Ang mga pasalubong namin at regalo sa aming kanya kanyang pamilya ay ang dadalhin namin pabalik ng bansa. Samantalang ang mga gamit namin tulad ng mga damit at mga sapatos ay ipapabalik bayan box nalang tulal hindi naman agad yun masusuot.

"Ja can I talk to you?" Bungad ko nang makita ko sya dito sa basement mag isa.

Nakamasid lamang sya sa paligid at tila minememorya ang mga bagay na nandito. Alam ko kase na matagal bago sya muli makakabalik sa kinalakhan nyang lugar.

Tumingin sya sa akin at tipid na ngumiti "sure what is it?"

Umupo ako sa tabi nya at bumuntong hininga muna bago muling nagsalita

"Paalis na tayo dito. May bumabagabag pa rin ba dyan sa loob mo?" Panimula ko

"Natatakot ako"

Napakunot noo ako dahil sa sinabi nya

"Saan?, Na pagbalik natin ng Pilipinas magbago tingin namin sayo? Na baka iwasan ka ni ate Ara dahil sa nalaman nya? Or dahil baka malaman ng ibang tao about sa personality mo?"

Tanging tango lang ang isinagot lang nito at napayuko. Lumapit pa ako ng husto sa kanya at inakbayan.

"What if sa nalaman ni ate Ara pagbalik natin ng bansa iwasan na nya ko. What if inakikitunguhan nyo lang ako ngayon ng ganito dahil nandito kayo sa pamamahay namin what if.." garalgal na boses na saad nya

"Husshhhh, you don't need to worry. Erase all the what if in your mind. Mahal ka namin. Kaibigan ka namin. Bakit ka namin iiwasan? It was you. At hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para sa amin. Nakilala ka namin ng ikaw. Maangas na may pagkamakulit, sweet at clingy. Saksi ako kase ako ang naging unang kaibigan mo sa aming lahat. Kilala kita mula ulo hanggang paa. Kaya huwag mong iisipin ang sinasabi ng ibang tao. Dahil at first hindi ka naman nabuhay para sa kanila. Hindi sila ang didikta sa buhay mo. Hindi sila ang magdedesisyon kung maging ano ka man. Be who you are Ja. I'm so proud of you dahil nasabi mo sa amin yang nilalaman ng puso mo. If nag woworry ka kay ate Ara. Talk to her. Para malaman mo rin yung limitation mo if ayaw nya. But I think open naman din si Ate Ara sa mga sitwasyon na ganyan. Andami kaya nababading sa kanya no. Lalo na kapag rarampa na sya sa stage."

"Thanks Ji. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka" isinandig ko ang aking ulo sa kanyang balikat at niyakap sya ng mahigpit.

"We're not bestfriend for nothing Jaja. Si Cley man madalas kong kasama ngayon pero hindi parin maikakaila na ikaw ang una kong naging kaibigan. Talk to her okay? Before we go back to the Philippines"

"I will thankyou"

"Iwan muna kita ah, kailangan ko na din mag impake" tumango naman ito. Hinayaan ko muna na nakayakap ako sa kanya ng dalawa pang minuto bago tuluyang umakyat para mag impake .

PAG AKYAT KO ay dumiretcho muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Napansin ko naman na nandoon din si ate Ara at Glen na tumutulong sa pagluluto kina Yaya.

"Hi ates, hi ya" agaw ko sa atensyon nila. Tinatawag ko si Glen sa pangalan nya pero minsan inaasar ko sya at tinatawag na ate. Ayaw kase nya. Kahit sinong tumawag sa kanya. Kaya kapag si Shen ang tinatawag sa kanya ay Bebe para hindi awkward pakinggan. Si Cley din naman ayaw patawag na ate. Halos sila namang lahat na nasa thunders line ayaw patawag na ate. Sadyang nasanay nalang si ate Ara sa kakulitan namen kaya wala na syang nagawa kundi tanggapin na she's the older hahaha.

More than BeforeTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang