So ito na nga. Basically December pa to, eh on going pa yung We and Us ko kaya nung February ata nung na publish ko sya.
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Pasensya sa sulat kamay hahahaha. Nagmamadali kase ako dyan. As long as naiintindihan ko naman sulat ko kaya hindi ko na nire-write. Kung napapansin nyo andaming story title kase dyan ako hirap na hirap. Gusto ko kase maging swak yung story sa title nya. Then naka sulat din dyan yung pinaka plot. Pasensya na rin sa grammar hahahha
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Diba ang daming bura bura hahahaha. Hindi nasunod yung *close to each other* na nakasulat sa pinakanuna kase lumihis ang utak ko hahaha. Alam nyo ba na yung pinaka start? Yung prologue? Bigla nalang pumasok sa isip ko na isama si Jan at Yves sa Circle ni Jia? Tas ganon din kina Cley. Ito yung time na nasa kasukdulan na. Kung paano ko sila pagrarambulin hahahahah. Mas nauna ko pa ngang nasulat to kaysa sa naunang page sa taas. Diba?
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Tapos ito dinagdag ko nalang para hindi ko makalimutan yung personal infos nila. Makakalimutin kase ako ehh. Kaya sinusulat ko talaga sa isang papel lahat. Dito na rin nagkaroon ng swak na title. Kase one time habang naghahanap ako ng kanta sa playlist ko nadaanan ko yung more than before ni Golden Cañedo tas yun na yung naisip ko na ipang cconfess ni Cley. Swak naman diba? Hehe
So yan sya hahahah.
Trivia's
*Did you know na yung masasakit na scene? Yung pag amin ni Shen kay Cley? Basta yung start sa Scene na yun ay true to life? Hahaha. Yung scene lang na yun ahh. Pero yung iba kathang isip nalang lahat yun.
*Ito pa. Alam nyo din ba bakit nasama si Yves sa usapan? Kase ako mismo ang gumanap na Yves sa kanilang tatlo. Sa akin sila nagsabi. Hindi ko na papangalanan pa kase hindi nyo naman sila kilala hahahahha.
Simula sa pag amin ni Jia kay Yves. Sa pag amin ni Shen yung about sa kanila ni Cley. At yung pag amin ni Cley kay Yves nung birthday nya? True to life yun hahaha. Ang hirap lang ipasok dahil may mga scene na hindi na pwedeng ilabas. Diba? ipit na ipit ang inyong otor hahaha
Ang astig lang kase nangyari yung scene na yun April 2022. Last year lang then natapos ko yung story April 2023 din.
Yun lang hahaha hanggang doon lang pwede kong i share.