Nakayanan naman ni Jia ang sakit ng puson nya ng hapon na iyon. Nakapag paalam na rin ako sa Coach namin na hindi muna kame aattend ng training ngayong araw.
Ganoon din sa mga kaibigan namen. Naiintindihan naman din nila. Dahil maging sila ay nag aalala sa isa sa pinaka hyper sa grupo namin.
Bihira lang kase syang sumpungin ng ganoong kalalang sakit ng puson. Kapag hindi naman masyado ay nakakausap pa naman namin sya. Pero may mga time talaga na darating yung araw na sobrang sakit talaga sa pakiramdam.
Kasalukuyan syang nasa kwarto ko. Agad ko syang pinahiga doon at binigyan ng hot compress.. mas effective kase ang hot compress kaysa sa cold compress.
Panaka naka ay sinisilip ko sya. Nakakuha na rin ako ng damit nya sa kanyang Condo. Para dito na rin sya maghilamos mamaya kapag humupa na ang sakit ng kanyang nararamdaman.
Nakapagluto na rin ako ng hapunan namin. Yung madali nalang para hindi na masyadong magtagal sa kusina.
Nang matapos ako sa lahat ng kailangan kong gawin ay muli ako pumasok sa kwarto para silipin sya. Natutulog pa sya at ayaw ko namang istorbuhin sya.
Kumuha ako ng wipes at cleanser at naupo paharap sa mukha niya. Kinakabahan man dahil baka kung ano ang magawa ko ay ipinagpatuloy ko na lang.
Maingat kong tinanggal ang salamin nito sa mata at inilapag sa headboard ng higaan ko. Nilagyan ko ng cleanser ang wipes at dahan dahan na ipinahid sa mukha ng kaibigan.
Maingat ang bawat pag galaw ko para hindi sya magising. Simula sa noo pababa sa kanyang mga mata hanggang madako sa kanyang ilong. Nang bahagyang umungol ito ay huminto muna ako saglit. Ayokong maistorbo sya.
Nang muling lumalim ang kanyang tulog ay muli naman akong nagpatuloy. Nilagyan ko muli ng liquid ang wipes at muling ipinahid sa mukha nya. Dahil light lang din ang make up nya ay hindi ako nahirapang tanggalin iyon.
Hindi sinasadyang natatamaan ko ang labi nyang napakalambot. Na tila ba kay sarap halikan ng mga iyon. Grabe ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Para bang ano mang oras ay lalabas na ito sa ribcage ng katawan ko. Dinig na dinig ko rin ang pag pintig nito.
Goshhh Jia ano bang ginagawa mo sakin? Mabuti nalang talaga at natutulog ito. Kung hindi makikita nitong namumula ako at tagaktak ng pawis kahit na naka bukas naman ang aircon dito sa kwarto.
Pinagsawa ko lang din ang sarili ko na titigan sya. Hindi ko kase to nagagawa kapag kasama namin ang ibang girls ehh. Kapag kaming dalawa lang naman ang mag kasama naiilang ako. Baka isipin nya na nababaliw na ko.
Nang napapansin kong palalim na ang gabi ay unti unti ko na syang ginising para malamnan ang tyan nya at muling maka inom ng gamot
"Ji? Jia wake up na muna. Kailangan mong kumain para makainom ka ulit ng gamot" tawag ko sa kanya.
Hindi ito gumalaw kaya bahagya ko syang niyugyog. Ngunit ungol lang ang sinagot nito
"Jia, kailangan mong kumain kahit onti lang. Hindi mo ba ko sasabayan?" Sabi ko pa
Doon naman ay nagmulat ito ng mga mata "anong oras na ba?" Tanong nya sa inaantok pang boses
"9 pm na po madam"
Napabangon naman ito agad ngunit agad ding napasandal sa headboard sabay napahawak sa kanyang ulo "ouchh" nakangiwing sabi niya
"Careful kase, hindi pa naman ganoon ka ayos pakiramdam mo"
"Bakit kase hindi ka pa kumain. Late na"
"Hinihintay kase kita"
"Ngi, paano kung hindi ako nagising edi hindi ka kakain?
