CLEY'S POV
Sinadya kong magbihis ng maaga para masundo si Jia sa unit nya. After 2 days of not seeing her. Mas na eexcite pa ko makita bestfriend ko kaysa sa taong may gusto sakin.
Hindi ako sanay na hindi ko sya nakikita. Hindi ako sanay na wala yung presence nya.
Pagbaba ko sa floor kung nasaan ang unit nya ay nagmamadali pa ko. Alam kong weird pero bakit ngayon ko nararamdaman tong feeling na to. Or sadyang pagkamiss ko lang sa kanya dahil ganito ako.
Pag enter ko ng passcode nya ay mabilis ko syang hinanap. Nadatnan ko sya sa may sala na parang papalabas na rin.
I give her a big smile on my lips pero agad ding naglaho dahil sa mugto ang mga mata nya. don't tell me na dahil pa rin iyon sa pinapanood nito.
"Hi, goodmorning?" Alangang bati ko dahil tila nabigla pa sya na nandito ako sa loob ng condo nya
"Aga mo ahhh? Kadalasan sa lobby ka lang naghihintay. Ano meron at nandito ka sa loob ng condo ko ngayon?"
"Wala lang. Wala man lang bang goodmorning dyan?"
"Morning" may problema ba sya? Hindi naman sya ganito dati ahhh. Bakit parang naging ilap sya ng malaman nya yung tungkol sa amin ni Shen?
"Nagkabaliktad na ba ngayon? Dati ikaw pa tong todo sa energy bata batiin ako ng goodmorning ahh. Tapatin mo nga ako. May problema ba talaga tayo?" Nagtitimping tanong ko.
"W-wala, sabi ko naman sayo kagabi diba?"
"Eh bakit mugto yang mga mata mo? Wag mong sabihing dahil pa rin yan sa mga pinapanood mo?"
"Edi hindi ko sasabihin"
"Jerian Lee"
Nag iwas naman ito ng tingin sa akin. Alam kase nya na kapag binuo ko na pangalan nya ay seryoso na ko
"Wala to okay? At wala din ako sa mood makipagtalo sayo ngayon. Masama pa pakiramdam ko"
Nagbago naman ang ekspresyon ko sa mga huli nyang sinabi. Napalitan iyon ng pag aalala.
Mabilis ko syang nilapitan at kinapa ang kanyng noo at leeg. Mainit init pa ito
"Mainit ka ah, kailan pa yan?"
"Wala lang to"
"Anong wala lang yan? Mainit ka at hindi mo pina alam sa akin" hindi ko na naiwasang taasan sya ng boses dahil sa ginawa nitong hindi pagsabi sa akin na masama ang pakiramdam nya.
"Cley hindi sa lahat ng oras kailangan alam mo ang lahat ng ginagawa ko. Hindi sa lahat ng oras ikaw lagi ang kailangan ko. Tanggapin nalang natin na balang araw mawawala ka rin sa akin. Siguro nasasanay ka lang na lagi ikaw ang una kong tinatawagan dahil ikaw lagi ang nasa tabi ko. But accept the fact na may Shen ka na" mataas na tono ding sagot nya
"But you're still my bestfriend bullsh*t"
"Hindi naman magbabago yon. Sadyang may mga bagay lang na hindi natin pwedeng ipilit. Please lang wag na nating pag awayan to. Nakaya ko nga ng dalawang araw ehh ngayon pa kayang sinat nalang?"
"Wala kang kasama?"
"Tinawagan ko si Yves noon para mangamusta dahil galing din sya sa sakit diba? Pero nalaman nya na hindi ako kumakain kaya sinugod nya ko dito"
"At hindi nya rin ako tinawagan para ipaalam sa akin or kahit man lang katukin ako sa unit ko?"
Naiinis na talaga ako dahil sa ikinikilos nya pero hanggat maaari ay ayaw kong ipahalata sa kanya dahil kahit na inis ako nag aalala parin ako sa kanya dahil may sakit sya.
