(Author's note: time skip ulit tayo mga mamser malapit lapit na to sa kasukdulan hahahah joke basta abangan nalang sa mga susunod na kabanata... Bow)
Time skip (back to School)
CLEY'S POV
Vacation has passed. We Celebrate new year here in Manila with our whole barkada's Fam. Opo ngayong New year nag celebrate kame kina Shen. That was Ara's decision. Lalo na at sila sila din ang magkakasama sa bahay.
Ara suggested to everyone na bakit hindi nalang kame sa iisang bahay mag Celebrate ng New year para maging mas matatag daw yung friendship namen. Mabuti nalang at pumayag ang parents ng mga nasa Manila.
Now? We are back again to School. To the reality. And last Semester. We are near to our goal. Ito na yon? Huling hirap na. After nitong mga paghihirap namen haharap na kami sa totoong mundo ng buhay.
Kasama ko si Glen dito sa Canteen. Waiting for the others. Usapan kase namin na sabay sabay kameng mag lunch in our first day of the semester. New Schedule na rin kaya may onting adjustment pa ang bawat isa.
"Antagal naman nila. Nagugutom na ko" ani Glen sa harapan ko. Ako ang nakaharap sa entrance door ng canteen kaya pabaling baling si Glen sa likod.
"Kailan ka ba hindi gutom. Parang ikaw si Jia. Mga walang kabusugan" komento ko.
"Food is life mare. Nakakatakam nya yung mga naaamoy ko galing sa loob ehhh" muling saad nya.
Malapit din kase kame sa counter kaya amoy na amoy namin ang mga bagong lutong ulam na niluluto sa kusina ng canteen
"Nag chat ka na ba sa kanila?"
"Oo sabi ni Yves kasama na daw niya si Jia at Jan dumaan lang daw sila ng Cr. Si Star naman kasama na si Shen katatapos lang din daw ng last Subject nila. Si Ate Ara hindi pa nagrereply" anito
Himala hindi kasama ni Jan si Ara. Sabagay hindi nga pala sila mag kaklase at magka year.
Naunang nakarating sa kinaroroonan namin sina Shen at Star.
"Sorry katatapos lang ng last Subject namin ehh ang daming ebas sa first meet." Bungad ni Star pagkaupo sa tabi ni Glen. Si Shen naman ay nag pwesto sa tabi ko.
"Kanina a kayo dito?" Tanong naman ni Shen na nakatingin sa akin.
"20 minutes before you Came." I said
Sumunod namang dumating ay si Ara. Mag isa lang sya at parang nagmamadali pam
"Akala ko pa naman ako nalang hinihintay. Nasaan na sina Jan?" Tanong nito pagkaupo
"Nag Cr lang daw. Ewan ko bakit antagal nila." Si Glen ang sumagot
Five minutes pa ang hinintay namin bago namin natanaw ang tatlo na sabay sabay pumasok ng Canteen
Napansin ko agad si Jia na suot ang salamin nito. Kadalasan kase ay nagsusuot ito ng Contact lens para iwas hastle daw. Pero ngayon grabe ang ganda nya. With her simple looks? Light make up?
Lagi ko naman syang nakikita sa ganitong ayos. Pero bawat araw na nakikita ko sya? Paganda sya ng pa ganda.
Those smile of hers. It makes me fall harder and deeper.
"Baka matunaw" biglang saad ni Shen sa tabi ko.
Napapitlag ako ng bahagya dahil sa sinabi nya
"H-huh? Sino namang matutunaw?" Kaila ko
"Yung bestfriend mo"
"H-hindi ahh. D-doon ako sa guy naka tingin oh" ano ba naman kase Cley. Bakit kase hindi ka nag iingat ehh
