CHAPTER 8

1.1K 38 2
                                        

Sa pagkain patuloy parin ang mag aasaran naming lahat. Pigil pigil mga tawa namin dahil maraming tao ang kumakain kasabay namen. Ayaw naman din namen na makaistorbo sa kanila. Dulo naman ang pwesto namen sadyang may pagka high pitch din pala ang tawa ni Shen na sinasabayan ni Star. Dagdag pa ni Yves na may  pagka hyper din gawa ko. Kaya laging disaster talaga lapag sama sama kame.

"Ano next subject nyo?" Tanong ko dahil baka may ma late samen. "Baka tawa tayo ng tawa dito tapos pagdating sa University sermon datnan naten"

"1:30pm pa samin ni Cley" si Glen ang sumagot

"Samin ni Star 2:00pm pa last Subject na rin yon" si Shen naman ang sumunod

"1:30pm din saken" si ate Ara naman

"Ala eh may mga pasok pa pala kayo?? Mag isa nanaman pala ako nyan. Hindi bale tambay nalang ako sa music room. Sunod nalang kayo don Shen and Star ahh para naman hindi ako maburo"

Oo nga pala may mga araw na ang iba sa amin ay walang pasok ng hapon kaso hindi kame maka uwi agad dahil may training after class hour kaya naglalagi kame sa Music Club. Tambay. Tulog or tutugtog para malibang. Minsan gagawin na namin mga assignments or activity para deretcho gala kame after.

"Ako sunod ako agad ewan lang kay Shen" sagot ni Star kay Yves

"Not sure may training kame ehh. Pero sige paalam nalang ako agad"

"Uyy kahit wag na. Baka pagalitan ka pa. Okay na si Star. Pagttyagaan ko nalang sya" sagot naman ni Yves

"Grabe ka ahhh. Apaka lupit mo naman sakin."

"Charot lang. Pero Shen oks na wag mo masyado pinapagod sarili mo baka magkasakit ka sa ginagawa mo nyan ehh"

"Sure?"

"Yup"

"Okiee"

"So tambay muna kayo dito?" Tanong ko sa kanila dahil kami naman ni Jan ay 1pm ang pasok

" Oo mabigat pa tyaka ko ehh" sagot ni Glen

Si Glen ang pinaka payat samen pero parang ako dahil maya't maya din ang kain pero hindi naman tumataba.

"Sige una na kame ni Jan ahh 1pm next class namen ehh. Sasabay ka ba sakin Jan?"

"Oo, wala naman na din ako gagawin dito. Pero daan muna tayo sa CR ah para makapag ayos"

"Tara na may twenty minutes pa tayo bago mag start ang Class. Sana lang ay pumasok si Sir kung hindi magwawala talaga ako"

Buong week kase sya lang ang subject namen na maaga sa hapon. Todo madali naming kumain tapos minsan 30 minutes late oh di kaya hindi sya papasok.

"Ayy true ka dyan, nababanas na nga ko ehh mas marami pa ata absent nya sa araw na pumapasok sya"

"Gusto mo naman. Pasimple ka pa" sagot ni ate Ara sa sinabi ni Jan

"Hehe syempre. Pero sayang din kase yung knowledge. Tapos minsan biglaan pa sya magbibigay ng quiz parang adik"

"Agik ka Jan. Mamaya ka na kumuda dyan tara na. Iiwan kita kita mo" sabat ko dahil mukhang wala pa syang balak tumayo sa kinauupuan nya.

"Wait lang ito naman. Tara na nga ramen lang naman kinain mo pero high blood ka"

"Wala namang bago dyan" saad ni Cley na kasalukuyan paring humihigop ng sabaw ng ramen

"Ay tigilan mo ko Cley, lagot ka sakin mamaya. Bye na nga"

"Bye bye ate Ji" dinig ko pang pahabol ni Shen kaya tinignan ko sya at ngumiti. Nang may bigla akong na alala.

More than BeforeМесто, где живут истории. Откройте их для себя