CHAPTER 16

889 31 18
                                        

JIA'S POV

(AIRPORT)

Ngayong araw ang flight namin papuntang US. Nagkita kita nalang din kame dito sa labas ng Airport dahil medyo madami dami kaming dalang gamit.

Hinatid ako nina Mommy dito ang iba naman ay nag taxi nalang tulad ng malalayo ang bahay. Yves also with her parents and her siblings.

Akala mo eh dalawang taon mawawala haha. Pero naiintindihan ko naman dahil first time naming lahat kumabas ng bansa maliban kay Jan syempre.

Si Cley, Glen at ate Ara naman ay nag video call sa mga parents nila para masigurado na ligtas ang mga anak nila bago sumakay ng eroplano.

Si Shen ay hinatid ng kanyang grandparents. Kasabay halos nito si Star dumating kasama si tita Arvy.

Si Jan nalang ang hinihintay namin at si Tito Jun.

"Mag iingat kayo doon ah?" Bilin ni daddy

"Yes po tito. Kami na po bahala sa mga bata hehe" si ate Ara ang sumagot dahil ito ang pinaka matanda sa kanila

"Opo tito, ako na po bahala dyan kay Jia. Hindi po uubra pagiging stubborn nyan." Segunda naman ni Cley kaya pabiro ko syang tinarayan.

Alam ko naman din yon. Cley has a strong personality and alam kong kahit babae kaming lahat ay safe kame basta kasama namin si Cley. Tahimik lang sya pero once na may nagtangka sa amin. Makikipagbakbakan talaga sya at makikipag sagutan. Kahit pa lalaki ang kaaway nito titiklop kapag nagsalita na si Cley.

"Tama yan Cley. Ikaw na din bahala sa kakulitan nito ahhh nagmana sa daddy ehh" bilin naman ni My

"Myy!!?" Maktol ko na ikinatawa ng lahat pati ang grandparents ni Shen

Kung tatantyahin ko man. Masasabi ko na close na rin ang mga parents namin sa isa't isa. Yun naman ang goal namin noon pa. Na paglapitin ang mga parents namin para maging panatag sila kung saan man kame pumupunta.

Kaya kapag nag paalam din ang isa sa amin na mag overnight sa isang bahay ay agad naman silang pumapayag.

Ngayon lang kami lumayo hahaha. Dati hanggang Visayas lang kame pero ngayon lilipad na kame pa Amerika.

Even Shen. Ginawa talaga namin ang lahat para mapalapit din kina Amma at Ampa. Sila nalang kase ang natitirang pamilya ni Shen with her kuya Shone. Kaya medyo mahigpit sila kay Shen about sa ganitong bagay lalo na at sa Air Crashed namatay ang parents ni Shen.

"Ate Jia makulit ka daw ohh" pagbibiro pa nang bunsong kapatid ni Yves na si Makkie. Close din sya sa binatang ito dahil madalas nya ring kabardagulan ito kapag lumalagi sya kina Yves.

Bakit parang trip akong asarin ng lahat today? Anong meron? Lord hindi mo na ba ko love?

"Isa ka pa! Dapat ang ate mo si Cley ehh hindi si Yves"

"No need na ate tropa ko naman si Ate Cley ehh. Diba ate?" Sagot pa nito tyaka nakipag high five kay Cley

Aba't may pa ganon pang nalalaman

"Tita oh? Si Makkie inaaway nanaman ako" kunwaring sumbong ko

Sweet naman din si Makkie minsan. Gaya ng personality ni Yves clingy din ito sadyang may pagka bully lang talaga sya but in a good way naman. Minsan bigla nalang ito yayakap sa akin tapos bigla akong pabirong sasakalin.

"Tigilan nyo na nga yan" saway ni tita Marilou pero naka ngiti naman.

"Nandyan na pala sina Renzo ehh" sabi ni Dy kaya napatingin naman kami sa Kotseng himinto sa harapan namin.

More than BeforeWhere stories live. Discover now