1 year ago
JIA'S POV
Daily happenings in our lives. Waking up in the morning dito sa Condo nya. I remember after our bohol trip ay ipinagpaalam naman ako ni Cley kina daddy at mommy na magsama na sa condo nya tutal sya lang naman mag isa dito.
Dahil sa may pagkakwela si Dy minsan agad nya kong pinayagan dahil kahit anong gawin daw namin hindi naman daw kami mabubuntis. Minsan hindi ko na malaman kung anak nya ba talaga ako o ano ehh.
Sa loob ng isang taon na pagsasama namin ni Cley ay naging maayos naman kami. Lalo pa nga syang naging sweet at caring ehh kaya lalo pa kaming naging mas matatag sa isa't isa.
Ngayong araw ang pinaka hihintay naming limang magkakaibigan. Isang taon din naming hinintay ang araw na ito ngayon ay masasaksihan namin.
Si Yves palang ang unang nakahanap ng maganda at stable na trabaho dahil hindi naman komplikado ang course nya.
Araw araw ay naguusap naman kame kaso sa chat nalang. Wala na kase Kaming oras para magkita kita pa at ngayong araw nalang kami ulit nakapagpaalam sa mga trabaho namin. Graduate na rin sina Shen at Star at naghihintay nalang ngayon ng time para mag exam. May mga kanya kanyang love life na rin sila.
_________________________________________
Mga Kolokoy
Star: mga day anong oras alis naten?
Yves: excited ka pa kaysa sa kanila ahhh
Jan: hahahaha
Star: syempre ngayon na lang ulit tayo magkikita at makakagala ng sama sama
Shen: sorry d ako makakapunta
Hoyyyy!!!
Yves: subukan kundi kotong ka sakin
Jan: Shen Morie!!?🙂
Gusto mo sapak?
Shen: joke lang jusko naman. Panget nyo naman ka bonding
Glen: pangit ng joke mo bebe.😒 Ngayon na nga lang kita ulit makakachikahan hindi ka pa sasama. Pinagpapalit mo na kami sa Jowa mo
Shen: oyyy FYI lahat ng tao dito may Jowa.
Ara: burrrsssssss
Cley: magpapatalo ka sa mas bata sayo Glen?
Oy mahal hahahaha nasa banyo ka pero nakikimarites ka dito sa gc
Cley: tapos na po ako mahal ko. Sadyang maiingay lang kayo
Yves: sana all mahal
Star: Glen ohh jowa mo ang kalat
Glen: bub?🥺
Yves: I love you bub😘✌️
Cley: ang kalat talaga
Glen: inggit ka lang mare
Cley: bakit ako maiinggit kasama ko mahal ko. Mahal pasok ka nga dito sa banyo
MAHALL!??
Ara: Shen takpan mo mata mo inosente ka pa hahaha
