CHAPTER 57

985 33 6
                                        

(A/n: hi po. Time skip po tayo dito. Malapit na malapit na po syang matapos🥺 siguro maglalagay nalang ako mga Special Chapters )

3 months later

Preparation for graduation

CLEY'S POV

Malapit na ang graduation kaya naging abala ang lahat. Heto na malapit na kami sa pinakahuli ng goal namin at haharap sa panibago at sa totoong hamon ng buhay.

Isang linggo na din simula ng huli kaming nagkita ni Jia. Nasa ligawan stage pa kami. Kung ako lang kaya ko pa namang maghintay kahit gaano pa katagal. Pero sa loob ng isang linggo wala syang paramdam? Hindi ko alam kung may hinihintay pa ba ako.

Ni chat or text wala syang ginagawa. Pinupuntahan ko din sya sa bahay at condo nya lagi din syang wala. Ang alam kong lagi nyang kasama ay si Jan.

Malapit na ang graduation pero ang mukha ko parang pinagsakluban ng langit at lupa. Si Glen ngayon ang lagi kong kasama dahil kami ang magkaklase. Napapansin nya rin yung pinagbago ko at napapansin din nila ang pagiging ilap nina Jan at Jia sa aming anim.

"Hey where are you? Pwede ba kitang makita? Namimiss na kita ng sobra ehh🥺" text ko sa kanya baka sakaling magreply sya kahit ngayon lang.

"Sorry Cley, nabusy lang talaga ng sobra" reply nya "miss na rin kita sobra pero wala talaga akong time ehh sorry🥺" basa ko pa sa susunod na text nya

Nanlumo ako dahil hindi ko pa rin sya pwedeng makita. Miss na miss ko na talaga sya.

"Oh mare ang laki ng problema natin ahh?"

"Si Jia kase"

"Hindi ka pa rin nirereplyan?" Nakangising saad nya

"Nag reply naman kaso hindi ko pa din sya pwedeng makita ehh" nakasimangot na sagot ko

"Ohh, wawa ka naman"

Tinignan ko naman sya ng masama ngunit tinawanan nya lang ako.

"Buang hindi ka sana sagutin ni Yves" ganti ko. Umupo naman sya sa tabi ko at tyaka ako pabirong sinakal

"Walang ganyanan mare. Porke wala yung sayo dadamay mo yung sakin. Wag ganun mars. dalawang buwan palang akong nanliligaw eh kokontrahin mo na agad."

Ako naman ang bahagyang natawa at nailing iling pa. Iba rin tama ng babaeng to sa kaibigan namin.

Opo. After we talked last 3 months? Glen officially confessing her feelings to our friend. Sa wakas naamin na rin nya sa taong matagal na nyang mahal ang lahat.

Hindi ko alam kung paano sila nagkaaminan basta masaya ako sa kung anong meron sila ngayon. They deserves to be happy too. Kina star at Shen? Ayun nagfofocus sa pag aaral. Ang dahilan nila ay gusto din nilang mag graduate ng Cum laude kahit alam naman naming lahat na matalino silang dalawa.

Hindi naman po sa pagmamayabang but me, Jia, Ara and Yves are the Summa Cum Laude in our own course. While Glen and Jan are graduating as Magna Cum Laude.

"Earth to Cley? Yuhuu." Napapitlag ako dahil sa tawag na iyon ni Glen

"Sorry?"

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Ako kasama mo ohhh, dapat nasa akin attention mo. Magseselos na ko nyan"

"Sira ulo doon ka sa nililigawan mo"

"Wag ka naman masyadong magselos. Ikaw pa rin naman ang legal ko. Kabit ko lang naman si Yves ehh"

"Gagu, kadiri ka." Sagot ko na kunwari ay nandidiri "ano kaya gagawin ni Yves kapag nalaman nya yan?"

"Huy wag, joke lang naman. Mahal ko yun no?"

More than BeforeWhere stories live. Discover now