CHAPTER 6

1.3K 38 0
                                        

JIA'S POV

Friends. Bestfriends. Kahit ano pa man ang tawag samin ni Cley ay masaya na ko doon as long as nandito sya sa tabi ko. Okay na ko.

Masaya ako kung ano ang meron kame. Alam ko naman din na wala akong pag asang mapansin nya kaya dinadaan ko nalang sa pakikipag bardagulan sa kanya.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Pero alam ko sa sarili ko na simula palang ay attracted na ko sa kanya. Nagkakacrush naman din naman ako sa lalaki pero ewan ko ba. Iba ang dating sakin ni Cley. Plus her attitude. Napaka maalaga nya sa kaibigan lalo na sakin. kaya lalo akong nahulog sa kanya.

Ang saya lang na nakikiagbiruan na din sya sa iba. Nakikita ko na rin yung kulit nya kapag kasama ang iba naming kaibigan hindi lang sa akin. Yun lang naman ang purpose ko simula noong una. Pero wala ehh. Pinana na nang todo ni kupido ang puso ko sa kanya

Her smile na bihira lang naming makita. Pero alam na alam naming tunay hindi peke. Kahit na bihira lang kung makita namin ito sa kanya.

"Ano nanamang kalokohang iniisip mo?" Medyo nagulat pa ko dahil sa tanong nang nasa tabi ko.

Magkaiba kame ng year at magkaiba rin kame ng Course pero laging tugma ang vacant naming pareho. Nagchat sya sakin na tumambay daw kame dito sa Library kaya go naman ako. Aba syempre si crush yun ehh charot.

"Wala ahh. Bawal maingay dito sa Library kaya hindi muna kita babardagulin" bulong ko sa kanya. "Bakit ba dito mo naisipang tumambay ehh hindi ka naman nagbabasa?"

"Wala gusto ko matulog ehh. Dito lang tahimik kaya wag ka maingay dyan."

"So pinapunta mo lang ako dito pero tutulugan mo lang ako?"

"Medyo"

"Agik ka pala ehh.. bakit hindi si Glen ang inaya mo dito classmate naman kayo"

"Dadaldalan lang ako ng dadaldalan non. Tapos bigla akong lalayasan kapag nainip na"

"Hahaha, deserve. Eh bakit nga ako eh alam mo namang dadaldalan din kita"

"Ewan, basta wala nang maraming tanong kulang ako sa tulog"

"Okay, hanap muna ko mababasa"

Hindi ko na hinintay ang sagot nya at tumayo na ko para maghanap ng mababasa. Marami namang klase ng libro ang meron dito. History. Philosophy. Basta about Academic. Meron din naman na pang libangan kaya isa ang library sa paboritong tambayan ng mga estudyante.

Nang makahanap na ko ng libro na babasahin ay agad akong bumalik sa pwesto namin ni Cley. Tulog na sya at nakayukyok sa mesa. Naka side din ito kaya kitang kita ko ang pagod sa mukha nya..

Bigla naman akong na awa sa kanya dahil sa daming ginagawa ng mga engineering student. Ganoon din naman sa Architecture students sadyang tutok lang tong si Cley sa pag aaral.

Pareho na kameng graduating ni Cley at nagbabalak na magkasamang maghanap ng trabaho in the future. Syempre ayaw ko talagang mahiwalay sa kanya. Kaya ako nag suggest na dapat same building ang pag aapplyan namen.

Sinimulan ko nang basahin ang libro na kinuha ko pero wala akong maintindihan. Nakatutok ang atensyon ko sa babaeng natutulog sa harapan ko. Hanggat maaari ay ayaw kong gumawa nang kahit anong ingay para hindi ito maistorbo. Kaya imbis na ipatong ang libro sa mesa ay hinawakan ko nalang ito at sumandal sa upuan.

"Jia?, Jia" dinig kong bulong niya. Hindi ko mawari kung nananaginip ba sya oh ano. "Jia, akala ko ba hahanap ka lang ng book. Di ka na ata bumalik"

"Hey, I'm here, hindi ako umalis." Bulong na sagot ko sa kanya.

More than BeforeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora