JIA'S POV
Week after graduation ay nanatili pa dito sa Manila ang Family ni Cley. Sa hotel sila tumuloy imbis na sa Condo nalang ng isa.
After that ceremony nilapitan namin ang kanya kanyang pamilya at kaibigan. They are happy I guess. Makikita mo sa mga mukha nila ang galak at pagtanggap nila sa relasyon namin ni Cley.
Nagkapliwanagan na rin sina Jan at ate Ara sa pamamagitan ko. Agad kaseng umalis sina Jan after Ceremony dahil sya naman ang mag ssurprise sa kasintahan. Ang role ko naman ay papuntahin si ate Ara sa location. Yun ang ginawa naming nitong nakaraang week.
We decided kase na kami naman ang gumawa ng something special para sa mga taong mahal namin. Ako para sa pagiging official namin at sya naman para sa ikatlong buwan nila bilang magkasintahan.
"Jo are you ready na? Waiting na sila sa resto. Tayo nalang ata hinihintay"
Kasalukuyan ko kaseng inaayos ng sarili ko dito sa loob ng kwarto nya. Meron kaming isasagawang family and friends dinner bago lumuwas pa probinsya ang mga parents ng mga nasa malayo.
"Opo mahal patapos na po" sagot ko
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba ibig sabihin ng salitang Jo. Nakasanayan na nyang tinatawag nya ko sa pangalang yon.
Pumasok sya ng kwarto. With her casual look. Kami kami lang naman kaya no need to dress like in a formal dinner meeting.
"Tama na yan, masyado ka ng maganda para mag ayus pa ng bongga"
"Nambola pa."
Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likod tyaka ako tinitigan ang replika ko sa salamin. Ganoon din ang ginawa ko.
"Hindi ahh. Kahit wala ka ngang make up maganda ka pa rin"
"Alam ko kaya nga nainlove ka sakin diba?" Ganting biro ko
"Huwag masyadong lumaki ang ulo my Jo"
"Ano ba meaning ng Jo na yan mahal?"
"Sweetheart, ang haba kase masyado ng sweetheart ehh kaya naghanap ako sa internet ng ibang way on how to say it then Jo is the shortest. And isa pa napaka cringe kase if I call you sweetheart in public. Kung Jo ako lang ang nakakaalam, iisipin lang nila tinatawag lang kita sa name mo."
Hindi ko alam kung kikiligin ba ko, matatawa or maiinis dahil sa sinabi nya. Kikiligin ka dahil sa effort nya para maghanap ng ibang way for her endearment to me, matatawa ka naman dahil nahihiya syang maging sweet sa akin sa public na naiintindihan ko naman. Sadyang maiinis ka lang din kapag i-bbig deal mo pa yun.
"Ikinahihiya mo ata ako ehh." Kunwari ay pagtatampo ko
"Hindi kita ikinahihiya. Gusto mo pa ipagsigawan kita sa buong mundo ehh. Ako lang talaga alam mo namang nahihiya ako sa maraming tao. Tapos kasa kasama pa natin mga kolokoy nating kaibigan na ang lalakas mang asar" naka pout pang sabi nya.
Nagiging siopao kase pisngi nya everytime na ginagawa nya yun. Mabilis na pinanggigilan ko ang pisngi nya pero hindi naman sya nagprotesta.
"Hilig mo talagang panggigilan pisngi ko no?" Sabi pa nya habang hinahalik halikan ang pisngi ko.
"Ang cute mo kase ehh. Chupi ka na nga nang matapos na ko."
Hindi naman sya sumunod bagkus ay lalo nya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ko at lalong isiniksik ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ko.
"Dito nalang kaya tayo? Gusto kitang masolo ehh. Laging may asungot"
"Sira, ikaw itong pinagmamadali ako kanina dahil tayo nalang ang wala tapos hindi tayo sisipot? At isa pa mga kapatid mo tinatawag mong asungot uyy."
