Continuation
JIA'S POV
"Sumasayaw siya?" Tanong ni kuya aki kay Cley habang turo turo si Shen na nasa tabi ko.
"Oo, actually kasali yan sa dance Club sa university namen. Hinila lang ni Star para sumali sa Music Club" sagot naman ni Cley
Hindi ko parin lubos maisip na ang pamilya ni Cley ay talentado na sa musika ngayon ko lang nalaman na magaling din pala talaga sa pagsayaw ang angkan nila. Si Jen at Louie nakikita ko na sumasali din sa Dance competition dahil friends ko sila sa Facebook at naka follow din ako sa kanila sa Instagram. Pero may mga pinsan pa pala sila na sumasali din sa pagsayaw.
"Nice edi sabihin ko na kay Tan na, magpeperform kayong dalawa ahh I don't take No as an answer" muling sabi ni kuya Aki
"Try, alam nyo namang hindi ko sanay sa maraming tao at ang tagal ko nang hindi nagsasayaw ehh libangan ko nalang sa condo minsan."
Inakbayan naman ni Kuya Nate si Cley
"I know you are a monster when it comes to dancing cuzz."
"Oo nga naman Den. Minsan ka na nga lang dumalaw dito ehh ipapahiya mo pa angkan naten sa mga kaibigan mo" pagbibiro naman ni kuya Aki
"Pumayag ka na Cley. Kasama mo naman tong si Shen ehh. Edi mag training kayo diba Shen?" Sabat ko naman sabay tingin kay Shen
"Alam mo Ji kanina ko pa napapansin. Bakit pati ako dinadamay mo dyan?"
"Kase sa aming lahat ikaw lang ang talagang sumasayaw at sanay sa ganitong bagay bebe" si Glen ang sumagot
"See? Kahit siguro hindi ako ang magsabi. Lahat ikaw ang ipupush para samahan tong si Cley"
"Hayssttt oo na, oo na pero depende parin dito kay Cley" saad ni Shen. Napalingon naman kaming lahat kay Cley hinihintay ang isasagot nya
Umiiling ito. Ang buong akala namin ay hindi ito papayag sa pangungulit namin
"Sige na nga. Ano pa nga bang gagawin ko diba"
Tila kami nanalo sa lotto dahil halos sabay sabay kaming napahiyaw. Nagulat pa nga sina lolo at lola dahil sa hiyawan naming iyon ehh.
Ganito kami kasaya dahil for the first time in our live, ngayon lang namin mapapanood si Cley sa taas ng Stage at kasama pa ang isa pang halimaw pagdating sa stage. Ngayon ko lang din sila mapapanood na mag training. Oo nakikita namin si Shen sa Dance studio noon. Kapag wala kase kaming ginagawa ni Cley ay nanonood kami ng training nila. Doon palang alam na naming nag iibang anyo ito pagtapak ng stage. Allowed kaming manood ng training nila dahil ipinagpaalam kami ni Shen sa Coaches nila.
Si Cley naman oo nagsasayaw kame minsan pero alam kong hindi ganoon ka powerful ang ibinibigay nya. Paano kaya ito sa stage no?
Nang pumayag na si Cley ay agad na pinahiram sila nina kuya Aki at kuya Nate ng mga pang training na damit dahil unexpected ang mga nangyari.
Alam na din ng magmamanage ng program mamaya na may guest proformer sila dahil ayaw pumayag nitong si Cley na sumali sila sa mismong kompetisyon.
Sa sala ng bahay napapanood namin silang dalawa. Countings and music na gagamitin nila ang naririnig naming girls.
Masasabi kong ang angas ng galawan nilang dalawa. Makikita mo talaga na ang ganda ng tandem nila when it comes to dancing.
"Wala na kong masabi sa isang Cley Laiden" sabi ni Star na kasama kong nanonood ng practice ng dalawa. Medyo malayo kami sa kanila dahil ayaw namin silang ma distract sa presensya namin
