CLEY'S POV
Sarado ang bahay ni Yves ng makarating kami. Tulog pa marahil sila dahil maaga pa naman. 7:30 am kase nang lumapag kami dito. Nag breakfast sa Airport at mga 8:35 am na nakasakay paywi kina Yves. Dito namin naisipang dumiretcho dahil dito ang pinaka malapit
Eksaktong 9:15 am nasa tapat na kame ng gate nila. Buti nalang at may sariling susi si Yves dahil kung minsan ay ginagabi ito ng uwi buhat ng HRM student ito.
"Dyan na muna yan sa terrace mamaya na natin ipasok sa loob. Gusto nyo muna bang matulog bago umuwi? Tutal nakapag breakfast naman na tayo?" Tanong ni Yves pagbukas ng pinto
Sinalubong kami ng isang maid nila na naglilinis ng sala.
"Ay naku kang bata ka. Ikaw na pala yan. Bakit hindi mo sinabi na ngayon ang lapag nyo. Para sana napasundo namin kayo kay Marcelo. Pangalan ng driver nila Yves.
"Surprise ya, hahaha wala namang surprise na pinapaalam diba?." Sagot ni Maloi tyaka ito yumakap sa ginang
"Pilisoponka talagang bata ka. Nga pala kumain na ba kayo? Ipagluluto ko kayo"
"Hindi na po katatapos lang po namin" sagot naman ni Ara
"Sina tita tulog pa po?" Tanong naman ni Glen
Hindi naman halata na feel at home kame diba? Lahat kame close sa mga pamilya ng bawat isa sa amin kahit na mga maids at driver ay kabiruan namin.
"Yung mga kapatid mo Yves tulog pa samantalang sina Ma'am lumabas. Mamimili ata ng mga regalo."
"Ang aga naman ata masyado Ya?." Takang tanong ulit ni Yves
"Nagkakaubusan daw ehh. Madaling araw pa sila wala kay baka pauwi na rin yung mga yon. Hintayin nyo na sila."
Pagkasabi naman noon ni Yaya ay may huminto nang sasakyan sa tapat nila Yves. Maharil sila tita na iyon.
Nagbalak pa kaming magtago ngunit hindi na namin nagawa dahil biglang na alala ni Jan na nasa labas ang mga maleta namin kaya hinintay nalang namin sila sa likod ng pinto.
Siksikan kaming walo doon para gulatin nalang sina tita. At nagtagumpay naman kame dahil pagpasok nya ay muntik pa nyang ihampas sa amin ang mga dala dala nitong nakabalot na regalo.
"Mga bata kayo oo. Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ko sa gawa nyo." Hawak pa rin ni tita ang dibdib nya.
Bumeso naman kaming lahat sa kanya at nagmano naman sa daddy ni Yves na si tito Yasser na nakikitawa din sa amin.
"Napa aga ata ang uwi nyo mga hija? Akala namin bukas pa lapag nyo dito?" Saad nya
"Baka po mahirapan kami kung bukas pa kami uuwi. Madami na pong tao na umuuwi galing ibang bansa" sagot ni Jia
PAGKATAPOS naming magpahinga ay agad na pumunta na kami sa ibang ibang bahay ng mga kaibigan namin.
Sumunod kami sa bahay nina Shen, sumunod kina Star, kina Jan at ang huli ay kina Jia. As usual wala doon ang parents ni Jia kahit gabi na. Hindi nya naman masisisi ang mga ito dahil ang alam nila ay bukas pa ang uwi namin.
Tumawag nalang ang kaibigan sa parents nito na nasabahay na sya. Pero sumaglit lang sya doon. Dahil sumama sya sa akin dito sa condo dahil gusto daw nyang mapag isa.
The sadness on her eyes can't denied on what she felt right now. Kanina pa din kame naghiwa hiwalay. Hinatid kami dito ni Yves dahil wala naman akong sasakyan. Si Glen at Ara ay hinatid naman ni Jan.
"Dito na ko ahh, goodnight Cley see you around" paalam nito na tinanguan ko nalang.
Ayoko syang asarin ngayon dahil baka wala ito sa mood.
