CLEY'S POV
Sa patuloy na pakikinig ko sa kwento ng friendship ng parents ni Jia at Parents ni Jan ay hindi ko maiwasang humanga dahil sa tatag ng relasyon nila sa kanya kanyang asawa. Ganoon din ang samahan nila bilang barkada.
Kahit halos 20 years na ang lumipas na hindi sila nagkita ay ganoon parin ang vibes? Para silang bumalik sa highschool dahil sa pagkaka alala nila ng mga pinagsamahan nila.
Mataman lang akong nakikinig sa kanila ng biglang may ng doorbell. Napalingon kaming lahat. Hindi ko alam kung may inaasahan pa ba silang bisita. Wow coming from me pa ha. Nakikipamilya?
Wala mang limang minuto ng marinig ko tinig mg tatay ni Jia. O sya lang pala.
"My? Bakit andaming kotse sa labas? May bisita ka ba? Or si Jia?" Dinig naming sigaw niya mula sa kusina
"Nandito kami sa dinning. Halika dito at may ipapakilala ako sayo?" Hindi naman maalis sa tono ni Tita ang excitement nito
"Kotse ng friends ko yan Dy" sabi naman ni Jia
Pagtapak palang ni Tito Christian sa kusina ay kita na namin na nanlaki ang mga mata nito. Hindi nito marahil inaasahan na magkikita silang muli ng kanyang matalik na kaibigan.
"Ow come on dudee. Long time no see" salubong ni Tito Jun sabay tayo sa kina uupuan nito para salubungin ang isa ng mahigpit na yakap
"Totoo pala ang chismis na ikaw nga ang father ng isa sa mga kaibigan ng anak ko."
"Sinong nag chismis?"
"Sino pa, edi si misis hahahah"
Pati kaming lahat ay natawa dahil sa kulitan ng dalawang matanda.
"Mga loko loko parin kayo, maupo ka na Christian at sabayan mo kaming kumain"
"Hala my, name based na pala tayo ngayon? Nakakahurt ka ahh" pagbibiro pa ni tito
"Ang arte mo Dy"
Tumawa lang naman ang isa. Alam ko na kung kanina namana ni Jia ang kakulitan nito. Dahil sa naisip ko ay patago akong natawa. Nakakahiya baka isipin nila tinatawanan ko sila. Biglang may sumipa sa paa ko. Lumingon ako sa mga katabi ko pero abala sila sa pakikinig sa mga matatanda kaya binalingan ko naman si Jia na nasa harapan ko.
Pinanlakihan nya ko ng mga mata. Tinatanong siguro nya kung napapano ako. Umiling lang ako at nagpatuloy sa pag subo ng pagkain.
"Saan na nga tayo?" Tanong ni Tita "ah yeah. Yun na nga. When Jia talk to me one day. I think mga first year palang sya noon. Nabanggit nya na may naging friend nga daw sya na kasama nyang sumali sa Music Club at the same time classmate daw nya. Nang banggitin na nya ang apelidong Lim. Nag alangan ako kase ang daming Lim na Apelido dito sa Pilipinas tapos ang alam ko pa eh nasa America sina Lawrenzo kaya ipinagsawalang bahala ko nalang. And then sinama ni Jia si Jan dito. Gagawa daw sila ng project. Doon na ko nagduda na what if sya nga yun. Lalo na kamukhang kamukha ni Jan si Myrna kaya pagpasok ko sa office nagsearch agad ako. Hindi pa ko na kontento pina imbistiga ko pa sila para lang masiguro na yung nasa isip ko ay pareho"
"I remember You told me that one. Di ko alam na nag sstory telling pala kayo dito hindi ako nakapag ready. Madami dami pa naman akong baon na kwento mula sa kabulastugan namin nitong si Renzo hanggang sa pag pikot sakin nitong mommy ni Jia"
"Hoy ang kapal ng mukha mo. Mahiya ka nga sa mga bata baka isipin totoo" saway ni Tita
"Ay Dy huli ka na. Nasabi na ni My ang kwento ng love story nyong dalawa" panggagatsyo pa ni Jia sa mommy nito
"Hanggang ngayon ganoon parin kayo? Akala ko pa naman matino ka na pare"
"Aba pare matino naman ako, kay misis lang hindi lalo na tuwing gabi" bigla namang namula si tita sa sinabi ni Tito Christian
