JIA'S POV
Cley and I are busy doing something at the music room when Yves and Shen entered here together.
"Kanina pa kayo dito?" Bungad na tanong ni Yves
"Medj. Wala na din naman masyadong ginagawa ehh. Final requirements nalang kaya inasikaso na namin to" ako ang sumagot
Dahil nga tapos na ang final exam. Wala na kaming masyadong ginagawa dito sa University. Tambay tambay at naghihintay na magbakasyon.
"Eh si Jan nasaan?" Muling tanong nya
" Ewan ko ba dun. Nauna syang lumabas sakin sa room ehh. Ang sabi nya nagpapasama daw si ate Ara sa kanya."
"Hanep din yung si Ara ahh. Sa bata pa talaga nagpatulong hindi nalang Sakin or kay Glen nagpatulong"
"Hahahah adik ka alam mo namang magkalapit ding yung dalawang yun"
"Eh si ate Glen nasaan naman ngayon Cley?" Sabat ni Shen na ngayon ay tumutulong nang maggupit.
Nag aayos kase kame ni Cley ng mga bagong announcement na ididikit namin sa bulletin dito sa loob ng music room.
Pinagitnaan kame ng dalawa. Si Yves ay umupo sa tabi ni Cley samantalang sa tabi ko naman puwesto si Shen
"Hindi ba kasama ni Star? Bago ako umalis ng room alam ko magkachat yung dalawang yun ehh"
"Hindi kame magkasama ni Star simula pagpasok ko. Hindi pa nga ako nakakapunta ng room eh hahaha. dumiretcho ako sa studio ng dance Club"
"Baka nga magkasama sila. Sobrang close din nung dalawang yun ehh. Laging may chika"
Pinagmasdan ko naman si Yves na syang nagsalita dahil parang may iba sa tono nang pananalita nya? Parang may something.
Jusko. Pati ba naman si Yves idadamay ko sa kabaklaan ko. Ipinilig ko ang aking ulo upang maalis ang gumugulo sa aking isipan.
"Hayaan nyo na muna sila, baka nagsawa na sa mga pagmumukha natin ehh hahaha" pagbibiro ko nalang para kahit papaano ay umaliwalas ang pakiramdam ng lahat
"Ikaw lang nakakasawa dito ehh" sagot naman ni Cley sa tabi ko
Tinignan ko sya ng kasama pero parang wala lang sa kanya na tinititigan ko sya dahil patuloy lang sya sa pagdikit ng printed paper sa Cartolina
Walang pagdadalawang isip na sinakal ko sya ng paakbay at bahagyang kinutusan. Tyinempuhan ko talaga na tapos na nyang idikit ang papel sa Cartolina bago ko ginawa yun para hindi masira.
"Arayyy" reklamo nito sabay pilit na inaalis ang kamay ko sa balikat nya
"At naglaro nanaman ang dalawang bata..... Ang isip hahaha" sabi ni Yves na tinawanan naman ni Shen.
"Alam nyo kung hindi ko lang alam na mag bestfriend at straight kayong dalawa. Iisipin ko na magjowa kayo sa inaakto nyo" saad ni Shen
Doon naman ay tila natauhan ako kaya dali dali kong tinanggal ang kamay ko at sinimangutan lang si Cley.
"Ito kase ehh trip na ko lagi asarin" naka pout pang sabi ko
Tawa lang ang narinig kong sagot nya. Ganoon din ang dalawa.
Ilang minuto rin ang lumipas ng magkasama ngang pumasok ng Music room sina Star at Glen. Nagkkwentuhan pa ito at nagtatawanan.
"Mapagbiro talaga si Madam Jessica kahit kailan" dinig pa naming wika ni Star
"Ang saya nyo ahhh. Iniwan ba naman ako?" Reklamo ni Yves na tila nagtatampo sa dalawa
Silang tatlo kase ang laging magkasama. Pinaka close sa isa't isa kumbaga. Kaya mahirap talaga kapag tatlo kayo ehh. Laging napang iiwanan yung isa
