CHAPTER 53

977 33 5
                                        

CLEY'S POV

Pagdating ko sa university ay agad kong hinanap si Jia. Tinanong ko na sya sa chat kanina kung nasaan nya kaya ngayon naglalakad ako papunta kung nasaan sya.

Masaya ako syempre. Nabawasan yung kaba sa dibdib ko. lalo na hindi against sina tito sa aming dalawa. Maipagpapatuloy ko yung panliligaw sa kanya ng walang iniisip ng kung anu ano.

Dumiretcho ako sa classroom nya dahil may last Subject pa sya nung tanungin ko sya. Hindi pa sila tapos ng dumating ako kaya naghintay muna ako sa labas. At dahil walang upuan sa pasamano ko naisipang umupo. Hindi naman kataasan yun at may grills naman din na  harang kaya hindi ako mahuhulog.

Habang wala pa sya ay naging abala ako sa aking Cellphone. Nakasalpak din ang earphone sa aking tenga kaya wala akong naririnig na kahit ano. Minutes later someone gets inside between my two legs, nakayuko din kase ako kaya hindi ko napansin na nakalabas na pala sila. Tinanggal ko ang pagkakasalpak ng earphone sa aking tenga at muling itinabi sa bulsa ng aking hoodie.

Opo mga lods kahit na tirik ang araw ay naka hoodie pa rin ako pumapasok. Naka aircon naman ang mga room kaya ayus lang na ganito ang pormahan ko. At isa pa nakakasunog ng balat ang init ng araw.

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo ko pinapansin" ang awkward ng posisyon naming dalawa sa totoo lang. Buti nalang walang masyadong tao na dumaraan dito.

Paano ba naman. Nakayakap sya sakin tapos nasa pagitan sya ng legs ko. Ramdam ko nga na namumula na ko sa mga oras na to dahil kung anu ano pumapasok sa isip ko.

"Sorry" hinging patawad ko tyaka ko sya nginitian ng sobrang tamis.

"Yan tayo ehh. Dinadaan mo ko lagi dyan sa ngiting mong yan ehh. Bakit ka nga pala nandito?"

"Bakit? Hindi ba pwedeng sunduin ko yung nililigawan ko? At lunch na din naman kaya kita pinuntahan. Pasalamat ka good mood ako ngayon"

"Pansin ko rin. Kanina ka pa sa chat atat na atat ehh. Ano ba meron?" Naguguluhang tanong nya na nginitian ko lang ulit. Mamaya ko na ipapaliwanag.

"Hoy kayong dalawa mamaya na landian sumama kayo sa akin"

Pareho pa kaming napalingon kay Jan ng bigla itong magsalita sa likod ni Jia

"Bakit?" Tanong ni Jia

"Anong bakit? Lunch time na. Sumabay kayo sa amin kumain. Huwag nyo solohin ang Isa't isa. Hindi na kayo sumasabay sa amin ahh. Nagliligawan palang kayo. Kami nga ni love sumasabay pa rin sa iba kahit kami na."

Lumawak pa lalo ang pagkakangiti ko dahil sa sinabing iyon ni Jan. Alam kong kahit mas bata si Jan kay Ara ay maaalagaan nila ang isa't isa. Maipagkakatiwala ko kay Jan ang kaibigan ko. Ramdam ko naman na genuine yung feelings nila sa isa't isa.

"My callsign na. Cute ng love ahh. Hindi ka ba na iilang nung una? Diba dati tawag mo sa kanya Ate?" Pang aasar pa ni Jia sa kaibigan na tinawanan naman ng isa

"Haha nung una oo, pero nasanay na rin. Huwag nyo iniiba ang usapan. Tara na"

"Ito na nga sasabay na." Ako na ang sumagot dahil paniguradong ako lang din ang hinihintay ni Jia na sumagot sa alok ni Jan.

Kung ako lang gusto ko masolo si Jia sa lahat ng oras. Pero baka magtampo na sa amin ng tuluyan tong mga kolokoy na to kapag hindi pa kami sumama sa kanila. Sa kabilang Banda kase may point naman si Jan. Sila ni Ara sumasabay sa girls mag lunch kahit na magjowa na sila tapos kami parang lumilitaw na makasarili ako.

Tumalon ako pababa sa kinauupuang pasamano at kinuka kay Ji ang mga gamit na bitbit nya. May dala din naman akong bag kaya kapag ganoon ay hindi nya binibigay sa akin yung mini bagpack na dala dala nya dahil sabi nya manliligaw nya daw ako hindi alalay. Kaya ang mga kipkip na books nalang ang sapilitan kong kinukuha sa kanya.

More than BeforeWhere stories live. Discover now