Pagkalapag namin sa US ay sinalubong kami ng Kuya ni Jan. Mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa bunsong kapatid. Ganoon din sa daddy nito.
This is it. Nandito na kame. Ito na yon. Ang ganda dito sa totoo lang. Ibang iba ang klima kumpara sa Pilipinas.
Mabuti nalang at binalaan kami ni Jan kanina na mag balot ng sarili dahil sobrang lamig dito.
As of now hinihintay naman namin sina Star at Yves dahil gagamit daw sila ng Cr. Sinamahan naman sila ni Jan dahil hindi amin alam ang pasikot sikot dito. Lalo na ang makipag usap sa ibang tao. Feeling ko ano mang oras dudugo ilong ko dito ehh.
Habang hinihintay namin sila ay naupo muna kaming tatlo nina Cley at Shen sa mga upuang nagkalat dito sa Airport.
Nakapagitna sa amin si Shen ang dahilan nito, sya daw ang bunso.
"Grabe beh months lang tanda ko sayo baka nakakalimutan mo" saad ko pa pagkaupo namin.
"Matanda ka pa rin Jia" sabat naman ni Cley
Eto nanaman sya. Talaga bang love language nito ay awayin ako. Bakit ganon sya day. Minamahal ko naman sya bakit binabarda nya ko. Ang cringe hahaha
"Wag ka papatalo Cley mas matanda ka samin ng halos tatlong taon." Rebat ko naman. Aba syempre kahit lab ko sya di parin ako papayag.
"Wala ka pala ehh, payag ka non Cley? Na ginaganon ka nitong si Jia?" Sabat ni Shen
"Hindi naman papatalo yan ehh, kaso malas nya marami akong baon" nakangising saad nito.
"Patingin nga ng baon mo? Penge ako"
Cley roll her eyes. haha talagang hindi ko papatalo no.
Nung makumpleto na kami ulit ay agad na kaming umalis. Sa sasakyan naman ay ako naman ang nasa gitna ng dalawa. Sa sorbang pagod din siguro sa byahe ay nakatulog kaming lahat.
Ginising nalang kame ng kuya ni Jan nang makarating na kami sa bahay na parang mansyon na ang laki. Doble ang laki nito kaysa sa bahay nila at sa bahay nina Jan sa Pilipinas.
My god. Iba talaga nagagawa ng Ibang bansa no?
"Ang laki grabee!" Dinig kong saad ni Star. Maski sya ay namangha sa laki ng bahay ng mga Lim.
"Doble ang laki nito sa bahay namin" komento ko naman
"Ilang tao nakatira dito Ja? Parang hindi ako makapaniwala na tatatlo lang sila sa ganitong kalaking bahay?" Ani naman ni Yves
"Yup tatlo lang sila but with a maids naman and other staff".
"As you can see, it's different from the other houses here." Saad naman ng kuya ni Jan
Pansin ko din. Halos para pareho nga ang mga bahay na nakikita ko simula pa kanina bago ako agawin ng antok. Pero kakaiba itong bahay nila. Parang inspired parin ito sa mga bahay sa Pilipinas at nakahiwalay ito sa ibang bahay.
"Oo nga parang gawang bahay sa Pilipinas parin ang galing" sang ayon naman ni ate Ara.
"Actually idea ni daddy ito. Diba dad?"
Sumilip naman si tito mula sa likod ng sasakyan dahil binababa ng mga ito ang mga gamit nila kasama ang mga guards at si kuya Enzo
"Yeah, syempre kahit na dito kami tumira ng ilang taon. Gusto ko parin na magmukha itong bahay na kadalasan nating nakikita sa Pilipinas. Baka mas magulat pa kayo kapag nakapasok na kayo sa loob" ma otoridad na saad ni tito.
Mas lalo naman akong na excite na pumasok sa loob dahil sa sinabi ni tito Jun
"Kuya nasa loob ba sina mom?" Tanong ni Jan
