CHAPTER 10

1.1K 37 2
                                        

Nigising ako sabado ng umaga dahil sa masarap na amoy na nanggagaling sa kusina ng condo ko.
Napagdesisyunan kase nina Yves at Jan na dito nalang sa Condo ko matulog

Actually namiss ko din tong dalawang to. Gawain din kase namin noong 1st year kame ang magsama sa isang bahay tuwing weekends lalo na kami ni Jan. Minsan kase si Yves may ginagawang experiment.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa tabi ko pa si Jan. May pagka tulog mantika talaga ito kahit kailan. Sabagay anong oras palang.

Tinignan ko naman ang Cellphone ko kung anong oras na. Maaga pa nga 8:33am palang. Sadyang maaga lang talaga nagigising si Yves kahit late na kung matulog.

Dumiretcho ako sa banyo dito sa kwarto at maingat na naghilamos. Isang kwarto lang ang meron dito sa Condo pero malaki ang bed kaya kasya kameng tatlo kung matulog.

Pagkatapos kong maghilamos at lumabas na ko ng kwarto para puntahan si Yves sa kusina. Kasalukuyan na itong nagsasangag ng kanin na ipinagtaka nya dahil wala namang tirang kanin dahil hindi naman din sila dito kumain. Sa resto bar sila kagabi dahil may gig sila. Wala naman ding bagong saing na kanin.

"Goodmorningg Ves" lumingon naman sya agad sakin at ngumiti ng nakapatamis

"Goodmorningg Ji"

"Saan mo galing yang kaning lamig?"

"Kay Cley hahahhaha inistorbo ko dun sa condo nya. Nandekwat narin ako frozen food nya doon. Buti nalang ang puno lagi ang ref non."

"May tinapay naman dyan ehh. Bakit hindi muna yun yung kinain mo. Meron ding nuggets sa ref hindi pa nga lang luto"

"Pinakuha na nya ko ehh. Lahat daw ng gusto ko kalkalin ko nalang sa ref nya. Ehh nakita ko tong bacon at tocino kaya hiningi ko. Masarap pa man din tong sinangag sa pinagpirituhan ng tocino kaya nanghingi na din ako kaning lamig."

"Dapat pinasunod mo na rin dito para may kasama syang kumain. Ay hindi nya pala nag bbreakfast yong babaeng yon."

"Yun din ang sagot nya sakin. Kahit alam kong hindi rin sya nag bbreakfast. Baka lang naman diba hahahah. Pero sunod daw sya dito katapos nyang maglinis ng Condo nya."

"Sige tulungan na kita, what do you want for drink? Hot choco, coffee or milk?" Tanong ko habang kumukuha ng mug sa lagayan.

"Coffee with creamer tapos kay Jan onti lang. Nga pala tulog pa ba yung babaeng yon?"

"Oo, lam mo namang tulog mantika yung isang yon. Pero maya maya gisingin ko na para sabay sabay tayo mag breakfast"

"No need, gising na ko" sabay pa kaming nagulat ni Yves dahil sa biglang pagsulpot nito sa harapan namen. Mabuti nalang at nailapag ko na sa mini counter yung mga mug na hawak ko.

Halatang katatayo lang nito at wala pang hilamos dahil sabog pa ang buhok nito at pupungas pungas pa.

"Goodmorningg sayo Ja ahh. Muntik nang tumalom puso ko sayo leche ka" sabi ni Yves na kasalukuyan nang naghahanda ng mesa

"Haha, goodmorningg. Naalimpungatan kase ako tapos wala na kayo. Then naamoy ko yung tocino kaya napabangon na ko. Banyo lang ako ahh" sagot nito tyaka sila imiwan nito.

Paglabas nito sa banyo ay naka ayos na ito at nag ready na kaming kumain. Naging tahimik lang din kame sa pagkain. Pero panaka naka ay bumabanat si Yves ng mga Jokes. Hindi kase ito sanay na tahimik ang buong paligid haha. Dahil nga sanay kame na walo kameng sabay sabay mag tanghalian tapos pagdating sa bahay nila ay anim naman sila sa hapagkainan kaya siguro hindi sya sanay na sobrang tahimik.

"Grabe Yves ahhh pati bacon naka plating. Ganyan ka na ba ka bored?" Biro ko sa kanya

Tumawa lang ito dahil tama ako "ang cute kase ehhh pasinsya na"

More than BeforeOnde histórias criam vida. Descubra agora