CHAPTER 4

2.5K 46 2
                                        

JIA'S POV

Kasalukuyan kameng nasa music room. Hinihintay namin si Star. Dahil may irerekomenda daw sya sa mga coach. Matagal na nya itong sinasabi sa amin kaso ayaw daw nitong sumali sa Club nila more on dancing daw kase ito kaya hanggang ngayon ay hindi parin nya malaman kung sino ba ito.

"Jia si coach Peralta? Kasama ko na sya nandun sa labas ayaw pa pumasok, nahihiya pa" mula sa aking magsusulat ng notes ay tiningala ko ang nagsalitang si Star.

"Parating na rin yon. May kinuha lang sa Faculty saglit" sagot ko "papasukin mo na sya baka mainip pa yun at bigla kang layasan"

"Ayy oo nga.  Wait lang hilain ko na papunta dito" sabi pa nito bago sya iwanan saglit. Napa iling nalang ako sa kalokohan ni Star.

Nang makapasok muli si Star ay agad kong nakita ang isang babae sa tabi niya. Maganda din ito, maputi at kapag ngumiti ay lumilitaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi.

"Uhmm. Guys this is Shen classmate ko mula sa accountancy. Siya yung lagi kong kinukwento na magaling din kumanta. Pero mas forte kase nya ang pagsasayaw kaya yun ang sinalihan nya noon. Pero ngayon ko lang sya napilit na mag join sa club naten. Sana ma welcome din naten sya tulad ng pag welcome nyo sakin noon" sabi ni Star.

"Ok naman welcome lahat dito" sumagot ay si Ate Ara

"Welcome to the club Shen, what's your full name pala?" Tanong ni Yves

"Shen Morie Catacutan ang full namen ko 21 years old. Mmm ano pa ba? Yun lang."

"Ahhh oo ikaw nga yon. Sabi na ehh" biglang singit ni Jan sa usapan

"Kilala mo Jan?" Tanong ko naman

"Hindi ganoon kakilala pero isa sya sa nagrerepresent ng School when it comes to dancing. Ang galing galing nga nya ehh"

"Hala thankyou" gulat na tugon nya kay Jan at yumukod pa ito "nice meeting you all"

"Sabi sayo Shen, ayos tong mga kolokoy na to ehh. So game na ahh wala ng bawian"

"Welcome Shen hope you enjoy being with us. By the way. Cley also ay dancer ayaw nya lang ipahalata kase takot sa tao kaya hindi rin sumali sa dance Club." Sabat ni Glen..

"Eh? Diba po same lang naman ang dance at music club na nagrerepresent ng School?"

Oo nga ako din yun ang laging tanong sa sarili? Ayaw nitong makihalubilo sa maraming tao pero heto sya sa music Club na nagrerepresent din ng school.

"Kase hindi kame marunong sumayaw?" Patanong na sagot naman ni Ate Ara

"Yup, yun ang dahilan Cley and I are classmate since 3rd year high school then naging classmate namin si Ara ng Senior High kaya yon. Pero hindi kase kame nasayaw at ayaw naman nya na sya lang mag isa kase ayaw makihalubilo sa maraming tao kaya yon kahit marunong at magaling sya sumayaw hindi talaga sya sumali." Sagot naman ni Glen.

Napatingin ako kay Cley na tahimik nanaman sa isang tabi kaya nilapitan ko sya.

"Umiiral nanaman Social anxiety mo" bulong ko "isang tao lang yan wag kang magtago. Magpakilala ka sa kanya"

"Maybe not now"

"Mukha naman syang mabait ehh. Parang ako lang nung una"

"Iba ka naman at iba sya.. maybe later katapos nalang"

Pero mabuti nalang at friendly si Shen kaya sya na ang lumapit kay  Cley at nagpakilala pagkatapos niyang kausapin si Coach Peralta

"Hi Jia right?"

"Oh Hi ulit Shen tapos mo na kausapin si Coach? Si Star nasaan?" Tanong ko

"Oo ehh. Pinauna na nya ko dito kase kinausap pa sya ni Coach. Ehh hindi ko naman makita yung iba kaya kayo na nilapitan ko. Sya ba si Cley?"

More than BeforeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ