JIA'S POV
Kasabay ko na si Shen bumaba ng Hotel pero nauna syang pumunta ng Venue dahil mauuna silang maglalakad.
Pagdating ko sa entrace ay agad na inalalayan ako nila mommy at daddy. Hindi naaalis ng tingin ko sa babaeng nakatayo sa may unahan. Ang gandang pogi nya sa suot nyang suit. Ilang araw ko rin syang hindi nakita dahil sa preparation.
Habang naglalakad kami papalapit sa pwesto nya ay kumakanta pala si Cley. Hindi ko kase sya masyadong maaninag dahil naluluha na ko. Bumabalik kase lahat sa ala ala ko yung mga pinagdaanan namin bago kami mapunta dito.
She's singing "More Than Before" na kinanta nya sa akin nung nag confess sya. Hanggang ngayon parin ay dama ko ang Lyrics ng kanta.
Kasabay ng pagtatapos ng kanta ay ang saktong pagtigil namin sa paglalakad. Lumapit sya sa amin at nagmano kina mommy at daddy bago ako inalalayan papunta sa pastor na magkakasal sa amin.
"Jo, I. Love. You. Hindi ko alam kung ilang beses ko na yang nasabi sayo pero hindi ako magsasawa na araw araw ko yang sasabihin sayo. Kinumpleto mo ang kulang sa buhay ko. Inalis ako sa comfort zone ko. Binigyang ngiti ang aking mga labi at nagbigay kulay sa aking mundo. I promise na mamahalin at iintindihin ka ano man ang mangyari. Sisikapin kong mas hahabaan ko pa ang pansensya ko sa kakulitan mo. Mahal kita jo kaya lahat gagawin ko mapasaya lang kita."
Ilan lang iyon sa wedding vows na binanggit nya. Doon palang ay hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Ipinasok naman nya ang isang kamay sa may belo ko ay pinahid ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Puno ng galak ang aking puso. Buong pagmamahal na nginitian ko sya.
Pagkatapos nya ako ano naman ang nag salita. Lahat ng nasa isip ko inilalabas ko ng buong puso. At ng may pagmamahal. Kita kong umiiyak na din sya dahil sa mga sinasabi ko. Gaya ng ginawa nya sa akin kanina ay inangat ko din ang kamay ko para pahirin din ang luha sa kanyang pisngi. Hinawakan naman nya ang kamay kong nasa pisngi nya tyaka ito hinalikan ng bahagya.
Nang inanunsyo na ng pastor na pwede na nya kong halikan ay dali dali nyang iniangat ang aking belo sabay hapit sa aking likod papalapit sa kanya. Kaya naman mabilis akong napakapit sa balikat nya.
Lumapat ang mga labi nya sa labi ko na naging dahilan ng paghiyawan ng mga taong saksi sa pag iisang dibdib namin ni Cley. Tinugunan ko ang halik nya. Bawat segundo ay sinusulit naming dalawa. Ni isa sa amin ay ayaw bumitaw sa halik na iyon kundi pa namin mararamdaman na kakapusin na kami ng hininga ay hindi kami titigil.
Wedding Reception...
Pansamantala akong iniwan ni Cley dahil may gagawin daw sya. Matapos magbigay ng kanya kanyang wishes ang family and friends namin ay nagsimula na ang kasiyahan habang kami ni Cley ay masayang nanonood lang sa kanila.
Habang pinapanood ko ang parent ko at parents ng mga kaibigan ko na masayang nagsasayaw sa gitna ay nilapitan ako ni Yves at may hawak hawak itong Yellow rose. Inabot niya sa akin ang rose at inalalayan ako sa pagtayo
"Bakit?" Tanong ko.
"Isasayaw kita yellow rose for the friendship, cause you started there." na touch naman ako dahil sa ginawa nya kaya nagpatangay naman ako agad. Kasabay naman ng pagsway ng katawan namin ni Yves ay syang pag strum ng guitara kung saan kaya napalingon ako sa Stage. Nandoon si Cley nakaupo at kinakanta ang Till the End of Time ng boybandph
"The first time I ever saw your face
I finally found my safest place
Didn't think I'd find the one
But into my life, you've come along
I never thought that I would find
Someone who'd never wanna let me go
Had no reason to believe
That a love could last forever"
