CHALLENGE 31

884 37 6
                                        

CLEY'S POV

Pagkatapos naming pag usapan ang mga bagay bagay. Kung paano at kung saan nagsimula ang lahat hinatid ko na sya sa kanila.

Ito na rin siguro ang paraan ng Diyos para tigilan ang dapat kaibigan lang. Besides ayaw kong may masaktan sa desisyong gagawin ko.

Okay ng ako nalang wag na sila. Selfish man pakinggan pero kase bakit sa dalawang bunso pa namin ako nagkaganito.

Pagkarating ko ng Condo agad akong naka receive ng message mula kay Shen.

________________________________________

Shen Morie Catacutan

Are you home?

Text me kapag nakarating ka na ha?

I'm home na

Kararating ko lang thanks.

Thankyou din kase pinaunlakan mo confession ko

Okay lang yun

Oh sige na pahinga ka na. Sunduin kita bukas

Kahit huwag na out of the way ka naman ehh

No okay lang. Pero pwede ba nating isama si Ji? Baka kase magtaka sya ehh kapag hindi ko sya sinundo

Oo nga pala lagi kayong sabay

Okay lang Cley kahit sa pag pasok wag mo na ako sunduin dito sa bahay

Maaga namang umaalis din si kuya kaya sasabay nalang ako sa kanya

You sure?

Oo naman no😁

Okay sige sabi mo ehh

Goodnight Cley

Goodnight Shen

Seen 10:37pm

_________________________________________

W

ala kaming pinagsabihan isa man sa mga kaibigan namin. Naging casual lang naman din kame sa isa't isa kapag kasama namin sila.

Gaya din nang napag usapan namin ay sumasabay si Shen sa kuya nya papasok ng University. Ako naman ay si Jia pa rin ang kasabay pumasok. Sa pag uwi naman ay sama sama kaming tatlo na uuwi. Una naming ihahatid si Shen dahil medyo malayo ang kanila tapos huli ay si Jia na malapit lang sa condo ko.

Gusto kong sabihin sa kanya ang usapan namin ni Shen. Pero natatakot akong malaman kung anong ekspresyon na ibibigay nya.

Baka hindi ko magustuhan na ipagtabuyan nya ko para i push sa iba. Selfish mang sabihin pero si Jia parin kase laman ng puso ko ehh.

I'll try to set a side my feelings to her pero sa tuwing kaharap ko si Shen ay si Jia ang nai-imagine ko.

ONE TIME hapansin ni Jia ang pagiging balisa ko. Pauwi kami that time at kahahatid lang namin kay Shen sa bahay nila.

"Ang tahimik mo naman masyado Cley. Kanina pa ko daldal ng daldal dito ni wala man lang akong makuhang sagot galing sayo." Sabi niya ng mapansing wala sa kanya ang atensyon ko.

"May iniisip lang ako" sagot ko. Buti nalang at nag ddrive ako kaya hindi nya ako gaanong ginugulo. Dahil kung nasa daan lang kami kanina pa po nasakal sa babaeng to. "Ano ba kase yon?"

More than BeforeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora