CHAPTER 7

1.2K 31 0
                                        

JIA'S POV

Nagpasya kame na sa labas ng School nalang kumain. Meron namang ramen sa University Canteen pero mas gusto ni Cley ang Ramen sa labas yung talagang ma sasatisfied sya sa kakaining lunch.

Dahil malapit lang naman yon at mahaba pa ang vacant time naming pareho ay nagpasya nalang kame na maglakad. Para pagdating doon ay pagod at may ganang kumain haha.

"Hindi ba natin yayayain ang girls?" Tanong ko dahil baka lunch time na din ng mga ito

"Chat ka nalang sa kanila, baka kase ayaw nila ng ramen. Pero mamaya na pagdating doon baka mahablot yang Cellphone mo sa kalsada. Hindi natin alam utak ng mga tao dito"

"Okay" nauuna syang naglalakad sa akin dahil nga nagbabalak akong ilabas ang cellphone ko mula sa Bag kaya hinabol ko sya ng mabilis dahil tatawid na ng kalsada. "Cley wait" pahabol ko pa sabay hila sa suot nitong long sleeve polo

"Bakit kase hindi mo pa iniwan yang bag mo sa locker mo ehh. Asan na nga yan baka hablutin pa sayo" wala na kong nagawa ng kinin nya ang bag ko at ipinatong sa kanang balikat nya ng may tumawag sa amin.

"Cley! Jia!?" Napalingon kameng pareho dahil sa tinig na iyon. It was Shen.

"Oh Shen. San ka punta?" Tanong ko

"Galing akong Canteen kaso puno, kaya naisipan ko na sa labas nalng kumain. Tapos hindi ko pa sure kung kayo ba yung nakita ko kaya tinawag ko kayo baka sakaling kayo nga. Kayo san kayo pupunta?"

"Gusto kase neto nang Ramen ehh. Baka yun na lang lunch namen. Kumakain ka ba ng ramen? Sam ka nalang samen" pang aalok ko pa

"Sure sige. kumakain naman din ako ng ramen lalo na yung Spicy."

"Buti hindi mo kasama si Star? Tanong naman ni Cley

"I'm with my groupmates in Dance club kase. May pinaasikaso si coach. Actually kasama ko sila kaso nakita ko nga kayo kaya nagpaalam na muna ako sa kanila para batiin kayo"

"Ahhh, so ano let's G? Doon nalang natin sila i chat para sabay sabay tayo kumain." Tumango naman sya at pinagmasdan kameng dalawa ni Cley mula ulo hanggang paa.

"Same vibes talaga kayong dalawa no? Mula kulay ng damit hanggang sa shoes same kayo" nangingiting saad nya

Actually hindi ko rin inaasahan na magkakapareho kame ni Cley ng Shoes. Pati kulay ng damit. Pero atleast diba kahit hindi sadya para parin kameng couple.

Utak ko talaga jusko. Kung ano ano pumapasok.

"Hindi sadya yan ahh. Nagkataon lang talaga" kakamot kamot pa ng batok na sagot ni Cley

Nang mag green na ang traffic light ay umusad na kameng tatlo. Palitan ng tanong at kwento. Lalo na kay Shen dahil hindi pa naman namin sya masyadong kilala kaya todo tanong ako na sumasagot naman nya ng masaya.

Mukhang interesado din naman sya na sagutin ang tanong namin ni Cley dahil hindi maalis ang ngiti nito sa kanyang mga labi. Ang cute lang dahil hindi ito naiilang. Dahil na rin siguro sa isa ito sa talagang pambato pagdating sa sayawan.

Hindi ko pa sya nakikitang sumayaw dahil naka focus ako sa music club at sa pitong kolokoy na lagi kong kasama. Then medyo malayo ang department ng accounting sa department ng Engineer at Architect kaya hindi ko rin sya nakakasalubong man lang. Kung hindi nalang talaga sya kinikwento samin ni Star ay hindi ko pa malalaman na may Shen Catacuatn din pala na nag exist dito sa earth na nanlalamon ng stage kapag nag perform na. Apelido palang talagang matatakot ka na ehhh. Charot lang syempre. Mabait naman na bata si Shen. Bata? Hahaha i think kase na sya ang pinaka bata sa aming lahat pero months lang din naman.

More than BeforeWhere stories live. Discover now