CHAPTER 14

993 31 2
                                        

Gaya nang sabi ni Ate Ara ay nauna nga itong dumating sa pito. Ang dahilan nya ay kukulitin lang sya ni Ja na sumabay sa kanila.

Nahihiya daw sya na sumabay pa. Balak nya daw sana na sumabay nalang sa ibang girls pero baka naman magtampo si Ja sa kaibigan kaya heto sya sa kwarto ko at nakahilata din sa higaan ko

"Anong oras ba daw sila susunod dito ate Ara?" Tanong ko

"We don't talk kase before ako pumunta dito ehh basta nagpaalam lang ako kay Jan na mauuna na ko dito"

"Eh si Star diba magkasama kayo?"

"Oo, kaso hintayin na daw nya sina Glen ehh. Sabay sabay na daw silang lima papunta dito tapos si Jan susunduin daw ni tito."

Tumango tango naman ako at nagpatuloy sa pagpapatuyo ng aking buhok. Kaliligo ko lang kase ng dumating si Ate Ara.

Nadatnan ko nalang din sya dito sa loob ng kwarto ko. Pinatuloy na daw sya ni Mommy dito dahil hindi ako sumasagot sa tawag nya.

Pagtuyo nang buhok ko ay inaya ko na sya na bumaba para doon nalang hintayin ang iba. Sakto naman na pagbaba namin ay natanaw ko na mula sa nakabukas na pinto at gate ang papasok na tatlong sasakyan. Ang kotse ni Cley, Glen at Jan.

Sinalubong naman namin sila.

Una naming nilapitan ang kotse ni Jan kung saan nakasakay si tito Jun para magmano.

"Hello po tito. Mano po" masayang bati ko.

Ganoon din ang ginawa ni ate Ara

"Kaawaan kayo ng Diyos mga hija. Nandyan ba parents mo?"

"Opo pasok na po tayo. Si My lang po ang nandito. Si Dy nasa work pa po"

Nagpauna na kong pumasok para sabihan si Mommy na nandito na sila

"Myy?? Nandito na po sina Jan"

Lumabas naman mula sa kusina si mommy na naka apron pa. Nakangiti lang si Mommy samantalang parang hindi naman  makapaniwala si tito Jun sa nakita.

"Oh Hi Lawrenzo long time no see"

Maski ang mga kaibigan ko ay hindi makapaniwala na kakilala ni Mommy si Tito Jun.  Ngayon lang din kase mag mmeet ang parent namen with us kaya ganito nalang ang reaksyon nila. pati naman ako ay hindi alam kung paano ngayon ko lang din malalaman. Nilapitan naman ako ni Cley at may binulong

"Magkakilala sila?"

"I guest? Sinabi lang sakin ni mommy kanina then ngayon ko lang malalaman kung paano" bulong ko din

"So kayo parin pala ni Chritian ang nagkatuluyan hanggang sa huli? Nice. Kaya pala familiar ang apelidong Robles na laging binabanggit nitong bunso ko"

"Haha. Oo hindi na ko pinakawalan ehh. Ikaw si Myrna ba ang mommy nitong si Jan? Hindi naman maikakaila ehh kamukhang kamukha nya" saad muli ni mommy tyaka nginitian si Jan. Naguguluhang gumanti naman ng ngiti si Jan

"Syempre naman pakakawalan ko pa ba? What a small world nga naman diba? Ito palang mga anak naten eh magkaibigan na rin pala"

"Unang banggit palang ni Jia sa pangalang Lim nagduda na ko lalo na kamukha nya talaga si Myrna kaya nag search ako then yun hahaha. Walang alam tong si Jia kase wala kaming time mag kwentuhan. Lagi kaming busy ni Christian sa work"

Naka masid lang kaming walo sa kanila kase hindi pa din namin alam kung paano sila magkakilala.

"Pasok kayo. Mag lunch muna tayo. Nagluto ako" tila napansin pa ni mommy na may kasama kaming bago "hi dear ngayon lang kita nakita dito, hindi ka ba sumasama sa kanila noon?"

More than BeforeWhere stories live. Discover now