After we talked. Yves needed to go dahil hinahanap na rin sya ni Tita Marilou. Swerte pa rin ako dahil hindi nya ko jinudge. Hindi ko pa rin naman sinabi sa kanya na si Cley yun. Basta ang alam lang nya ay babae ang gusto ko.
Nakikinig lang sya sa mga sinasabi ko. Kahit nandito sya sa harap ko ay hindi ko pa rin mapigilang maluha dahil sa sobrang sakit.
Iniwan ako ni Yves nang masama pa rin ang pakiramdam. Nagtangka pa syang tawagan si Cley pero pinigilan ko sya. Tanging si Yves lang ang nakaka alam ng problema kong ito at iniiwasan kong malaman ni Cley dahil mangungulit lamang ito.
Linggo na. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko dahil bukas ay may pasok na. Hindi pwede hindi ako pumasok dahil nagsisimula palang ang semester.
Ang balak ko lang ngayong maghapon ay isantabi lahat ng dinaramdam ko. Kailangan kong magpahinga.
Ipahinga ang katawan at ang utak ko para kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman ko. Pero hindi ata sumasang ayon sakin ang pagkakataon ngayon dahil nakatanggap ako ng mensahe mula kay Cley.
_________________________________________
Cley Laiden Vergara
:Ji?
:Musta?
Ayus lang naman Cley
Bakit may kailangan ka ba?
:Wala naman
:Hmmm, hindi ka kase nag chchat ehh
:Are we good?
Oo naman, wala naman tayong pinag awayan diba?
Busy lang this weekends siguro
Kaya hindi kita na chat
:Ehh kahit naman busy ka, lagi kang nagcha-chat
_________________________________________
Sa totoo lang Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nasasaktan pa rin ako ngayon pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya
"Tangina naman Cley!, Sa akin ka nalang kase. Hirap na hirap na ko sayo."
Nasabi ko nalang habang humuluha. Humagulgol nalang ako sa sobrang sakit.
Kailangan ko syang replyan dahil baka makahata sya. Kaya kahit halos hindi ko na matanaw ang screen dahil sa mga luhang hinayaan ko na pumatak ay nireplyan ko sya
_________________________________________
Sorry busy lang talaga
:Okay sige
Ahh cley?
:Hmmm??
Pwede ko pa rin bang gawin ang mga dati kong ginagawa?
:Huh? Oo naman. Bakit naman hindi?
Eh kase diba nagkakamabutihan kayo ni Shen. Baka magselos kapag pinakita pa natin sa kanya yung closeness naten
:Sabi na may problema ka ehh kaya hindi ka nag chachat
