JIA'S POV
"Cley samahan mo ko kay Sir Salvador papasa ko lang tong song list na pinagawa nya" sabi ko kay Cley nang makita kong wala itong ginagawa.
"Sure tara, alam ko nasa Faculty sya ngayon" sagot nya sakin
"Yown, the best ka talaga Cley pa kiss nga" pangungulit ko pa
Cley is one of my best friend. Kasalukuyan syang nasa 5th year bilang isang inhinhero at ako naman ay 4th year bilang isang Arkitekto.
Nagtagumpay ako sa planong kaibiganin sya. Masyado kase syang tahimik kaya ako na ang gumawa ng way para matanggal ang pagiging ilap nito sa ibang taong nakakasalamuha nito. Hindi ko parin naman maaalis sa kanya ang pagiging introvert pero ayus na rin na nakikita kong unti unti ay nakikipaglapit na ito sa ibang tao.
Kaibigan ko parin naman sina Jan at Yves. Bestfriend pa din naman ang turing ko sa kanila pero may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na mangyayari. Tulad ako mas napalapit ako lalo kay Cley tapos si Jan naman ay naging Close kay ate Ara. Kung tutuusin nga ay Pito na kameng magkakaibigan. Sama sama kame kung kumain at nakapag build na ng samahan.
Halos tatlong taon na din kameng magkakasama pwera kay Star na huling napalapit saming anim. Noong una ay kameng tatlo nina Jan ang magkakasama lalo na noong mga unang linggo bilang magkakaibigan. Pero isang araw ay nagkasabay kame sa Canteen nina Cley kaya nagpresinta si ate Ara na sama sama nalang kameng kumain tutal ay nasa iisang team lang naman daw kame at para mas lalo naming makilala ang isa't isa. Kaya ayun until now ay magkakasama parin kame at lalong lumalim ang samahan naming anim. And then naging ka team din namin si Star. Bubly din ang personality nito gaya ni Yves kaya madali na rin para sa kanila na naka close ito.
"Ewww, kiss ka dyan ito gusto mo?" Sagot ni Cley sa akin tyaka nito ipinakita ng kamao nito sa akin
"Ito naman joke lang, tara na nga baka lumayas pa si Sir at hindi ko pa abutan" sabi ko. Sumunod naman sya sakin pero patuloy lang sya sa pagkalikot ng Cellphone nya
"Ano ba yang ginagawa mo sa Cellphone mo.?" Tanong ko tyaka ako tumunghay sa kanya at ipinatong ang mga kamay ko sa balikat nya para mabalanse ko ang sarili ko.
Natawa ako nang makita ko syang naglalaro ng brick game. Iba rin talaga itong sapak ng kaibigan ko. Ang angas tignan tapos naglalaro ng mga pambatang laro haha
"Ayan tuloy na out nalagpasan ko na yung highest score ehh" saad nya tyaka nya pinisil ng malakas ang ilong ko..
"Aray kooo!" Sabi ko habang tinatanggal ang kamay nya sa ilong ko "ang brutal mo naman kanina ka pa ahh. Parang mas gusto ko na tuloy yung dating Cley na walang imik" dugtong ko pa habang hinihimas ang nasaktan kong ilong
"Malas mo" sagot nya. Nang makarating sa Faculty Room ay nagpaiwan na sya sa labas dahil iisang estudyante lang ang pwedeng pumasok doon. Paglabas kong muli ay busy nanaman sya sa cellphone niya
"Tara na Cley. Deretcho na tayo sa Waiting Shed sa gate nandoon na daw yung lima dala na din mga gamit naten"
"Atat umuwi ahh wala namang pasok bukas" sagot pa nya
May usapan kase kame na deretcho kame sa isang restaurant malapit sa university na pinapasukan namen. Every Friday kase ay tumutugtog kame natigil lang ng dalawang linggo dahil naging busy sa Acads. Pero ngayon ang libre kameng lahat kaya napag desisyonan naming pumunta ulit doon
Choice namin yun. Sa katunayan ay ako, Cley, Yves at Glen lang ang nagpeperform. Ewan ko ba dun sa tatlo wala ata sa trip nila yung ginagawa namen. Pero kahit ganon ay nakasupport parin ang mga ito sa aming apat.
Sya ang nagsisbing pianist, si Cley ang Guitarist, si Glen naman ang drummer and then si Yves naman ang Vocalist namen. Ang taas din kase ng boses ni Yves, pagdating namang sa harmony bilib na bilib sya kay Cley.
