CLEY'S POV
Sa bawat lirikong binabanggit ko ay tagos at tugmang tugma sa nararamdaman ko. Nung una ay ayaw ko pang tignan si Jia dahil umiiyak sya. Hindi ko alam kung bakit. Masyado ba syang overwhelmed dahil aamin na ko. Pero hindi nya alam na sa kanya?
Kinakabahan ko ng Malala lalo na nakaharap yung mga kaibigan namin. Pansin ko rin yung shock sa mga mukha nila nang sabihin ko sa harapan ng maraming tao na mag coconfess ako.
"Hindi mo pa ba kilala kung sino ka? Okay may sasabihin muna ko bago ko banggitin pangalan mo." Kabadong panimula ko. Ito yon wala nang atrasan to. "Alam nyo po ba na introvert person ako? Siguro sa mga inaabangan kaming magpeperform dito alam iyon. Tahimik lang ang buhay ko noon. Gusto ko lang lagi mag isa at limitado lang din mga salitang lumalabas sa bibig ko. Then One day para akong binagyo ng dumating sya. Ginulo nya lahat at worst pati puso ko tinangka nyang pasukin haha corny diba? Hearing those words sa isang introvert person? Yun nga. Napasok nya teritoryo ko and doon pa sya nangampo hanggang ngayon. Naging magkakaibigan kame. Bestfriend pa nga ehh. Everyday kami magkasama walang kasawaan. Hila hila nya ko kung saan saan at nagbabardagulan sa Isa't isa oras oras. But the day passes by? I slowly falling inlove with her."
Muling hinanap ng mata ako si Jia. Gulat syang nakatitig sa akin. Parang pinoproseso lahat nang narinig nya. Nginitian ko naman sya at nagpatuloy.
"Gaya ng awiting kinanta ko. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko? All of that is for you Jia" medyo naging maingay ang buong paligid dahil sa binanggit kong pangalan. Si Jia naman ay napanganga. Haha cute hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya na tila kaming dalawa lang ang taong natirito "Opo ikaw nga. Jerian Lee. Why you? Hindi ko rin alam basta ang alam ko sa sarili ko mahal kita. At mas lalo pa kitang minahal simula nang iwasan mo ko dahil kay Shen."
Napadako naman ang tingin ng mga kaibigan ko kay Shen na prenteng nakaupo at nakikinig sa mga sinasabi nya. Awkward man dahil confessing my feelings in front of her is so hard. Baka masaktan nanaman sya. Pero na nakikita kong nakangiti naman sya ay nabuhayan ako
"I feel good everytime that I'm with you. Ayaw na kumalas nang aking paningin sayo. Hindi pa nga ko makapaniwala ehh. Pero si kupido na ang pumana. Nag bardagulan man tayo kapag nandito ka na lahat ay gumagaan. At gaya din ng chorus na inawit ko kanina. You're my night and day, with you I'd stay no matter what always. I'am?" Sabi tyaka tinuro ang sarili " yours forever, there's no other here inside me. Cause today I can feel? That I love you more than Before. Mahal na kiya noon at lalo pa kitang minamahal ngayon. Dyan ka nalang ba sa kinauupuan mo? Iiyak ka nalang ba dyan jo? Sige ganito nalang I'll give an option. Kapag tumayo ka dyan sa kinauupuan mo at lumapit dito sa harapan ko. Meaning you allowed me to court you. At dito sa harapan ko ipagpapatuloy yung confession ko sayo. Pero Kapag naman umalis ka. Meaning wala akong pag asa sayo at iiwasan ka nalang para hindi na ko masaktan pa."
JIA'S POV
Naestatwa ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Cley. Hindi pa rin nagsisink sa akin lahat ng sinabi ni Cley. Kahapon pa ko iyak ng iyak dahil ang buong akala ko ay kay Shen ito magtatapat.
Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba sya or aalis na lang. Baka kase nananaginip lang ako or baka binibiro nya lang ako.
Gulat na napatingin ako sa taong bigla nalang ko hinawakan sa kamay at hinila papalapit kay Cley. Gusto ko sanang mag protesta at kumawala sa pagkakahawak nya ngunit masyado syang malakas.
" Oh ayan na, antagal tagal pa ehh" sabi ni Yves pagkarating namin sa stage.
"Sira ulo ka talaga." Nasabi ko nalang tyaka sya tinignan ng masama. Ano nang gagawin ko?
Tumayo naman si Cley at tinabi ang guitar na hawak. "I'll ask you again without mic ji. Baka kase napilitan ka lang na pumunta dito kasi hinila ka ni Yves. You have a chance to go out if you want." Sabi nya.
