CLEY'S POV
Kinakabahan ako habang pinagmamasdang ang entrance ng building. May isang bagay na hindi ko pa nagagawa. Yun ay ang opisyal na magpaalam sa parents ni Jia. I know it's kinda late. Mas nauna kong magtapat kay Jia kaysa magpaalam sa parents nyang kung pwede ko ba syang ligawan. Kaya ngayon heto sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Close naman ako kina tita kaso iba na kase ngayon ehh.
Maraming what if ang gumugulo sa isip ko. Matagal ko na ding plano to sadyang ngayon lang ako nagkaroon ng oras para personal na magpaalam.
This is also my 2nd time na aapak ko sa building na ito. Ang Robles Corporation Company ay pagmamay ari nina Jia. Galing pa ito sa Lolo ni tito Christian at ipinamana sa anak ng bunso nitong anak which is si tito nga. Na kwento na ito ni Jia sa akin noon. Nung unang beses kaming pumunta dito.
Pag enter ko palang ng glass door ay binati na ko ng guard. Ang astig lang dahil natatandaan nya pa rin ako kahit na medyo matagal na nung nanggaling kami dito.
"Goodmorning po ma'am. Ikaw po yung kaibigan ni ma'am Jia di ba?"
Tinignan ko sya at ngumiti bago ako sumagot.
"Ahh opo, ako nga po"
"Wala po si ma'am Jia dito ma'am "
"Ahh opo. Sina tito po ang sadya ko"
"Ay ganun po ba ma'am. Pasensya na po. Tanong nyo nalang po sa mga staff dyan kung hindi po busy sina Sir."
"Okay lang po. Sige po kuya salamat po."
Nang makapag paalam na ko sa guard ay agad naman akong lumapit sa isang staff na nandito. Na I.D. naman kase sila kaya madaling malaman na nagtatrabaho sila dito.
"Hmm Miss excuse po" agaw ko sa atensyon ng isang staff. Agad naman itong lumingon sa gawi ko.
"Yes ma'am, what can I help you?" Sagot nito habang nakangiti
"Nandito po ba sina Mr. And Mrs. Robles?"
"Yes ma'am, wait I'll asked Mrs. Robles's secretary if she's in her office. Si Sir po kase alam ko nasa meeting pa. Ano nga po pala namen nila?"
"Cley Vergara, Jia's bestfriend po"
"Okay ma'am noted po."
Wala man ding tatlong minuto ay bumalik na yung pinagtanungan ko
"Ma'am? Mrs. Robles is in her office daw po. And nasabi ko na na nandito po kayo sa baba. Akyat na daw po kayo sa office nya"
"Thankyou po"
Iniwan ko na yung staff at dumiretcho sa elevator. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng tumunog na ang sinasakyang elevator tanda ng nakarating na konsa floor kung nasaan ang office ni tita.
Grabeng kabog ng dibdib ko parang gustong kumawala sa kinalalagyan nito. Pagbukas ng pinto ay agad ko namukhaan ang babaeng nakaupo d kalayuan na kinaroroonan ko. Siya yung sekretarya ni Tita.
Nang makita ako nito ay agad nya kong nginitian ang tinanguan
"Miss Cley right? Ma'am jhoan is waiting for you inside"
Nginitian ko rin sya at bahagyang yumukod. Bago ako kumatok sa pinto ay huminga muna ako ng malalim.
Tatlong sunod sunod na katok ang ginawa ko bago ako nakarinig ng tinig na mula sa loob. Pagbukas ko ay ang nakangiting mukha ni tita ang bumungad sa akin.
"Oh Cley napadalaw ka? Hindi mo kasama si Jia?"
"Bless po tita." Sabi ko tyaka ako kumapit sa kanya para magmano. Pagkatapos kong mag mano ay bumeso naman sya sa akin. "Hmm hindi po ehh. Kayo po ni tito ang sadya ko dito and it's about Jia po" magalang na paliwanag ko
