CLEY'S POV
NAMIMISS ko na si Jia. Months na din nung last na nagkausap kami tapos hindi pa maganda ang kinahinatnan non.
Simula nang maging ilap sya hindi ko na mapigilan inis ko sa tuwing gagawa sya ng sarili nyang desisyon.
Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Hindi ko na sya masamahan tulad ng ginagawa ko noon. Dati kapag niyayaya nya ko. Magrereklamo lang ako pero hindi ko sya matiis kaya sasamahan at sasamahan ko sya.
Ngayon. Kahit saan sy mag punta hindi na nya pinapaalam sa akin. Tapos hindi rin sya nagpalatulong sa iba. Na lalong ikinaiinis ko.
"Shen?" Agaw ko sa atensyon nya.
It's a Saturday night at nandito kami sa isang kainan. Busy sya sa kanyang Cellphone dahil halos patapos naman na din kame.
Tumingin naman agad sya sa akin at nginitian ako. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya pero hindi katulad ng ngiting ibinigay nya.
"Hmm? You need anything?"
"No, I just want to ask if may balak kang lumabas bukas?" Alanganing tanong ko
Napakunot noo sya at tila nag isip saglit
"Wala naman. Bakit magpapasama ka ba?"
"A-ah no. If wala kang gagawin bukas. Can I go to Jia?" Tanong ko sa mababang boses at nagiwas ng tingin sa kanya.
"Hindi mo naman kailangan magpaalam ehh. Magkaibigan din naman kayo. Mag bestfriend pa nga ehh. Ewan ko ba sa inyong dalawa par kayong nag iiwasan"
"Ayaw ka nya magselos ehh kaya dumistansya sya. Matagal na rin kase nung last na nagkasama kame tapos lately lagi kaming nagbabangayan. Alam ko naman na nagtatampo sya."
"Hindi mo ako kailangan alalahanin. Ramdam ko rin na umiiwas sya lalo na kapag magkasama tayo. Kaya yes Cley this time bumawi ka kay Jia"
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya "thankyou" sinserong saad ko.
"No, thankyou dahil kino- consider nyong dalawa yung nararamdaman ko kahit alam kong mahirap para sa inyong dalawa iyon."
Lalo akong nakokonsensya dahil sa ipinapakita ni Shen sa akin. Hindi ko maibigay sa kanya ang buong ako dahil hanggang ngayon si Jia pa rin ang hinahanap ng puso ko. Hindi ko magawang suklian lahat ng ipinapakita ni Shen sa akin.
Nang matapos kami ay hinatid ko na din sya. Anong oras na din, baka hinahanap na sya nina Amma.
SHEN'S POV
Hinintay kong makalayo ang kotse ni Cley bago ako pumasok ng gate. Dumiretcho ako sa kwarto nang maraming bumabagabag sa aking isipan.
Kanina nang nagpaalam si Cley about sa pagpunta niya kay Jia ay gusto ko syang pigilan. Ayaw ko sana syang payagan. Pero nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot kaya naawa ako
Alam ko naman na nakay Jia talaga ang puso nya ngumit heto sya. Nasa akin sya. Kasama ko sya araw araw.
Magkaibigan sila at hindi ko mababago yon. Magkaibigan na sila bago pa ko dumating sa buhay nila. Ang pinagtatakahan ko lang bakit hindi umamin si Cley na may gusto sya kay Jia.
Dahil ba mas pinipili nya ang friendship kaysa sa love? Natatakot syang sumugal gaya ko? Na baka mapilitan lang din si Jia na pakisamahan si Cley as a lover dahil ayaw nitong masaktan ang isa?
Bakit ko nga ba naiisip to? Kasi ganito ang nangyayari sa akin ngayon? Ang sakit diba? Pero nagpapakamanhid ako dahil sa pagmamahal ko kay Cley. Na alam ko naman na kahit kailan hindi magiging akin ang puso nya. Na kahit anong pilit kong agawin ito sa iba ay hindi ko magawa. Hindi ko mapalitan ang pwesto nya.
