CHAPTER 26

808 23 0
                                        

CLEY'S POV

Dinala ko ang mga kaibigan ko dito sa lumang bahay ng grandparents ko. Though nirenovate naman na ito pero pinasadya talaga ni lolo na magmukha itong sinaunang bahay.

"Sino sino nakatira dito Cley?" Agad na tanong ni Jia na nasa tabi ko kasama ang bunso kong kapatid.

Crush ata ng kapatid ko itong si Jia ehh dahil simula palang ng makita nya ang kaibigan ko ay hindi na nya ito tinantanan.

"Noon wala mga caretaker lang dahil nga nasa ibang bansa sila lahat then binibisita lang to ni papa para kamustahin ang mga tauhan na nandito. " Sagot ko naman

"Eh ngayon? Silang dalawang mag asawa lang ang bumalik dito gaya ng sabi ni tito?" Tinignan ko ang nagsalitang si Shen na curious din

"Hindi ko lang sure" agad ko namang tinignan si Jen na nasa likuran namin kasama ng iba pa naming kaibigan kaya si Kyle nalang ang tinanong ko "kyle sino kasama nina lola umuwi?"

Abala din kase ang bata sa kinakain nitong chocolate na bigay ni Jia

"Sina kuya Nathaniel and kuya Akira lang po ang sumama kina lola ate Cley. Ang sabi ni lola uuwi daw sina tita sa new year. Pero sina kuya mag sstay na daw po sila dito"

"Yun. Bale apat sila dito tapos may mga staff naman din dito papakilala ko kayo kay kuya Akira at Natey boy. Kuya Aki is only months ahead to me and Nate is kaedaran nina Glen at Star"

Tumango lang naman sila. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa may garden kung nasaan ang grandparents ko. Hindi nila alam na darating ako ngayong araw.

Nadatnan namin sila si lolo ay nagbabasa ng dyaryo samantalang si lola naman ay nagdidilig ng mga halaman. Hindi nila kasama ang magkapatid. Hindi rin nila napansin na papalapit kame hanggang sa tawagin ni kyle ang dalawang matanda. Nagtatakbo kase ito papalait sa dalawa

"Lolaaa, loloooo guess who's with meee" sabi nito habang nagtatakbo. Napangiti naman ako dahil mas excited pa sya sakin.

"Oh kyle dahan dahan baka ka madapa" pahabol naman ni Jia na nakangiti din.

"Kyle apo andami mo atang kasama. Kasama mo ata isang battalion" pagbibiro ni lolo sa kapatid ko

"Lo I'm with ate Cley po with her friends."

Napatingin naman si lola sa gawi namin ni Jia at Shen. Nauna kaming lumapit kay lola dahil mas malapit ito sa amin.

"Laaa!" Saad ko na may pananabik. Ilang taon din na hindi ko sila nakita. Wala kaseng time para magpunta ng New Zealand eh. Katapos kong magmano ay yumakap ako sa kanya ng napakahigpit.

"Jusko Den ikaw na ba yan?" Napangiwi naman ako sa tinawag nya sa akin.

Tanggal angas naman yon la ahhh. Nakakahiya sa mga ungas na to. Ngayon lang nila narinig ang tawag sa akin ni lola. Paghiwalay ko palang kay lola ay agad kong tinignan ang dalawa. Hindi nga ko nagkakamali. Siguradong aasarin nanaman nila ako at paniguradong gagatungan pa nang mga kasama namin.

"Hello po La, I'm Jerian Lee po. Pero Jia nalang po. Cley's one of her Best friend" pakilala ni Jia at nagmano kay lola

"I'm Shen naman po. Cley's new friend" pakilala naman ni Shen at gaya ni Jia ay nagmano din ito kay lola.

Ganoon naman din ang ginawa ng iba pa naming kasama. Dahil ka Close na nito ng mga kapatid ko ay sila ang kasa kasama ng mga ito.

Sinama na namin si lola papunta sa parang cottage na nasa may garden kung nasaan si lolo na nagbabasa ng dyaryo kanina.

Kung ano ang ginawa namin kanina kay lola ay ganoon din ang ginawa namin kay lolo. Pero ngayon ay kumpleto na kami sa loob ng cottage.

"Sabi ni Mama lo October pa po kayo nakauwi? Bakit hindi nyo po ako tinawagan?" Tanong kong muli

More than BeforeWhere stories live. Discover now