CHAPTER 3

995 29 0
                                        

CLEY'S POV

Nandito kami ngayon sa Supermarket malapit sa Condo namin ni Jia. Ako na mismo ang nagyaya para kahit papano ay may laman ang condo ng kaibigan kapag doon sya natutulog.

Napakapasaway kase nya. Ayaw nyang nag gogrocery kaya kapag sa Condo sya natutulog ay wala syang makain. Kadalasan ay instant food ang laman ng drawer nya sa Condo which is not healthy for her body.

Pagdating namin dito ay dumiretcho kami agad sa meat and vegetables section. Nasita pa nga ako sa kanya bakit daw ang dami kong kinuha.

"Hoy Cley sobra na yan. Ang dami gagi ka hindi naman ako lagi sa condo natutulog ehh" reklamo nya

"Ayy assuming ka beh, para sakin yang iba ngayon ka lang sumama mamalengke sakin kaya d mo pansin" sagot ko

"Para kaseng sobra pa yan sa pang one week ehh sure ka ba na mauubos mo yan within one week?" paninigurado pa nya

"Sure ako. Kulang pa nga yan ehh knowing na minsan sa condo na din natutulog si Glen para sa school purposes. Tas nakikigulo pa si Ara"

Dahil nga mas nauna kong naging kaibigan ang dalawa at kaklase ko pa si Glen ay kadalasan ay sa condo kame tumatambay at gumagawa ng project or plates.

"Sure ka ahh. Wala pa man din akong pera."

"Kuripot ka talaga kahit kailan."

"Oyy hindi ahh. Nagtitipid lang. Ang dami kong kailangang bilhin na materials"

"Don't worry sagot ko lahat nang yan pati mga pagkain sa condo mo"

"Talaga!" Manghang tanong pa nya. "Galante mo today ahhh"

"Tsss, bogus ka naman"

"Oyy anong bogus ikaw nagpresinta na bayaran mga bibilhin ko. Hindi lang ako tumatanggi sa grasiya hahaha kaya thankyou na agad"

Naiiling nalang ako dahil sa mga sinabi nya. Galing naman din sya sa may kayang pamilya pero ayaw niyang humingi ng sobra sa pamilya nya. Lalo na busy ang parents nya sa trabaho.

Noong una ay napansin ko na sya. Pero ayaw ko talagang makihalu bilo sa mga bagong tao lalo na at bata sila samen. Pero hindi ko inaasahan na may pagkamakulit din pala ang babaitang to dahil hindi umubra ang pananahimik ko.

Isang araw ay nagsimula syang magtanong at magpatulong sa kung ano ano. Lagi syang nasa tabi ko at pinapadaldal ako. At nagtagumpay ang gaga dahil heto kame ngayon at tatlong taon na kameng magkaibigan. Maituturing ko na nga rin syang bestfriend ko dahil sa lagi nga itong nasa tabi ko.

Nang mapansin kong dumadako sya sa chocolate section ay sinita ko agad sya.

"Hep hep, that's too much. Two boxes is enough. Kaya ka nagiging hyper ehh" awat ko dito

"Alam mo naman favorite ko to. Ako na magbabayad dito. please Cleyyy"

"Hayssttt pasaway ka talaga. Tatlong box lang final na yon. Iniiwas nga kita sa instant food. Sweets naman tinitira mo." Sermon ko sa kanya

"Yey labyu na talaga"

Isa sa ayaw ko ang sinasabihan ako ang I love you na hindi kumpleto pati sa chat pero pagdating sa kanya hindi ako uubra. Para kaseng hindi sincere kapag ganon kaya kung hindi ko close ang isang tao or i would say na kung hindi lang din naman si Jia ang magsasabi non. Sapakan nalang. Joke

Pagkatapos naming bayaran lahat ay umuwi na rin kame. Nagtake out nalang din ako ng pizza pang snack na babaeng kasama ko. May pagka anaconda ata ang tyan nya ehh. Dahil maya't maya kung kumain parang walang kabusugan sa katawan

More than BeforeWhere stories live. Discover now