Inaantok pa ko ngunit may dalawang makukulit na nanggigising sa akin. It was Yves ang Shen.
"Jia wake up. Nakahanda na daw ang almusal" umungol lang ako at hinayaan lang sila.
Pasado ala singko na nang umaga ng nakabalik kame ni Cley sa bahay. Pagdating namin ay gising na si manang at abala na sa pagluluto.
"Hoy Jia bangon na dyan alas otso na po ng umaga." Panggigising naman ni Yves.
Whatt!? Tatlong oras palang nang makatulog kame. Pero bakit parang ako lang ang ginigising ng dalawang to? Nasaan si Cley?
"Halos katutulog ko lang ehhh" maktol ko tyaka ako nagtakip ng unan
"Bumalik ka nalang si higaan katapos nating kumain. Nakakahiya kina tita. Tapos ngayon din ang flight ni tito pabalik ng Pilipinas kya tumayo ka na dyan" saad pa ni Yves
"Ten minutes pleaseee. Hindi ako agad nakatulog kagabi ehh. Buti pa kayo ang sarap ng tulog nyo"
Actually wala naman akong pinagsisihan na inumaga na kami ng tulog ni Cley. Kasama ko sya ehh. Kami lang dalawa sa ilalim ng bilog na buwan. Sa park habang sabay na sini-swing ang duyan.
Sa pakikinig ko nga sa music ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa balikat nya ehh. Ginising nalang nya ko ng nagyaya na syang bumalik ng bahay at dito pinagpatuloy ang pag tulog
"Five minutes Ji and the fix yourself. 8:45 daw ang flight ni tito at gusto nya na sabay sabay tayo kumain bago sya umalis."
"Si Cley ba nasaan? Bakit sya hindi nyo gisingin at ako inaalibadbaran nyo dito?"
"Ay beh kanina pa gising si Cley. Naliligo na nga sa banyo ehh" si Shen ang sumagot
At ngayon ko lang din narinig ang mga kaluskos na nagmumula sa banyo. Nag humm mmm pa ito na tila kumakanta pa.
Malas naman ohh. Sana lang Hindi sumakit ang ulo ko dahil kulang sa tulog.
"Tatayo na. Katapos ni Cley sa banyo" hirit ko p
"Agik ka talaga Jia. Basta pagkatapos ni Cley sumunod ka na at sabay na kayong lumabas dito. Bilisan ang kilos Jerian" panenermon pa ni Yves. Dinaig pa nya si My kung makapag madali.
Mabuti nalang at lumabas na silang dalawa. Ramdam ko na ang ulo ko na mabigat. Gusto ko mang bumalik sa pagtulog ay hindi ko na magawa dahil ang sarap sa tenga ng pag hmm ni Cley mula sa banyo. Hindi ko na naririnig ang garasgas ng tubig marahil ay tapos na ito kaya kahit mabigat ang ulo ay tumayo na rin ako.
CLEY'S POV
Pag uwi namin kanina ay hindi na ko dinalaw pa ng antok. Dahil na rin siguro sa kapeng ininom ko or dahil sa pangyayari sa park kanina.
I feel good dahil kahit papaano ay maayos kami ni Jia. Hindi kame nagbabardagulan. Sadyang sinulit lang naming dalawa ng oras na magkasama kame na kaming dalawa lang.
Dahil paniguradong sa mga susunod na araw ay sama sama na kaming walo gumala at maglibot dito sa US
Kasalukuyan kong naliligo dito sa loob ng kwarto namin at hinayaan muna si Jia na matulog. Gising na rin naman ang dalawang kasama namin sa loob ng kwarto at nag aayos na rin ng kanya kanyang sarili.
Naririnig ko pa nga sila na ginigising nila si Jia eh. Pasimple pa kong nangingiti dahil sa bangayan nila ni Yves. Para naman kaseng nanay si Yves kung makapag madali kay Jia.
Get ko rin naman ang punto nya. Kahit ako naman nahihiya dahil nakikijoin lang kami dito. Close naman din kame kay tita Myrna pero nasa ibang bahay pa rin kame. Kaya kailangan bigyan parin ng respeto ang mga nakatira dito.
