CHAPTER 47

961 36 7
                                        

JIA'S POV

Mabigat ang pakiramdam ko kinabukasan. Parang tamad na tamad akong kumilos.

Ganitong ganito ang naramdaman ko noong sinabi ni Cley sa akin na nagtapat sa kanya si Shen.

Mamaya magiging official na sila. Malalaman na rin ng mga kaibigan namin ang tungkol sa kanila.

Bakit kaya laging ganon no? Pagkatapos talaga na pasayahin ka kapalit naman non ay lungkot. Dapat hindi na ko nagiging masaya kung papawiin din lang agad.

Sana hindi na ko pinapaasa ng kahit na sino kung ganito lang din naman. Masakit men. Sobrang sakit. Dapat tanggap ko na noon pa.

Mabigat man sa loob ay pumasok parin ako kinahapunan. Dahil 1pm pa nga ang subject ko. Dumiretcho ako sa office kung saan ako nag oOJT.  Dahil nga rin graduating mas marami na kaming free time ngayon kaso nga lang ay puro project ang ibinibigay sa amin. Hindi ko rin malaman kung bakit nandito kame sa admin office eh mga architecture student naman kame. Anong kinalaman ng pag guhit at pag disenyo ng gusali sa pag check ng mga form ng mga proff namin.?

Nadatnan ko na si Jan na pinagsusunod sunod ang mga form sa lagayan. She arranged it alphabetically. Wala na rin ibang magawa.

"Ayos ka pa dyan kapatid?" Biro ko pa

Nakabusangot naman syang tumingin sa akin

"Kailangan kong may gawin pero wala na ko magawa"

Natawa ako syempre. Natapos na ata namin lahat ng forms dito sa admins office. Pero kailangan araw araw pa rin kaming may ginagawa.

"Update mo nalang yung sa weekly tutal Saturday naman na bukas" suggest ko pa.

"Ayy oo nga Friday na ulit.. gig night yuhuuu"

"Ang excited mo masyado hindi ka naman natugtog"

"Kaya nyo na yan. Jusko hahaha.. baka maging center of attraction pa ko don"

"Hahaha taas ng confidence ahhh"

"Hehe joke lang syempre."

Naging maayos naman ang naging OJT namin. Magkasama lang din kami ni dyan buong hapon. Nagtutulungan kame sa updating.byun kase pinakamahirap ehhh. Sa dami ba naman ng estudyante dito sa DMSU kahit sino malilito ehh. Hanggang sa training ay nakikipag biruan ako sa kanila

"Hoy mamaya ahhh? Sa restaurant tayo. Dating gawi" panimula ni Cley

Heto na malapit na. Onting oras nalang tuluyan na syang mawawala sa akin. Tuluyan na syang ma aangkin ng iba

"Oo naman no. Sino bang nakakalimot?" Segunda ni Star na walang ka alam alam sa mangyayari mamaya

"Ang hyper ng isang Cley Laiden ahh. Ano nakain mo mare?" Si Glen naman

"Wala. Kung ano kinain mo yun lang din naman kinain ko" pamimilosopo pa nito kay Glen

"Ay iba nga tama nya ngayon. Hindi ka ganyan noon Cley" si ate Ara naman ang nagsalita

"Why? Is it a bad thing?"

"Hindi naman hindi lang kame sanay na ganyan ka."

"Pwes from now on? Masanay na kayo."

"Ay i lab it. Ano kaya itchura ni Cley kapag araw araw na makulit? Mas dadaigin pa siguro nya sina Star, Yves, Shen at Jia na sosobrang hyper" saad naman ni Jan

"Aba Bakit pati pangalan ko nadamay?" Kontra ni Yves

"Aba ka din. Naturingan kang matanda sa tatlong iyan pero ikaw nangunguna sa kaingayan" sabat muli ni Glen

More than Beforeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن