S. CHAPTER 5- Till the End of Time

1.1K 29 33
                                        

CLEY'S POV

After months of preparation ay ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ngayong araw ay mapapasakin na ang babaeng pinakamamahal ko. Ilang araw ko rin syang hindi nakikita kase kasama daw iyon kapag kinakasal.

Dito sa States din namin binalak na magpakasal dahil legal dito ang same sex marriage. Wearing a white pair suit with white polo and hill. Mas prepared ko kasing magsuot ng ganito kaysa naman  sa pareho kaming mag gown diba?

Isang beach wedding din ang gaganapin ngayong araw dahil ito ang gusto ni Jia. Habang nag aayos sa loob ng hotel room ay may kumatok

"Pasok" sabi ko. Nilakasan ko pa iyon ng onti para marinig nya ng kung sinong nasa labas

Pagbukas ng pinto ay lumitaw ang dalawang naging una kong kaibigan. Wearing a long brown dress. 

"Pogi natin mare ahhh" bungad ni Glen bago bumeso sa akin. Ganun din ang ginawa ni Ara bago naupo sa dulo ng aking kama

"Syempre. Wala ng atrasan to. Kaya kayong dalawa huwag nyo na ring patagalin pa" sabi ko

Engaged na rin silang dalawa ang natitira lang ay si Shen at Star na hanggang ngayon ay going strong parin naman sa kani kanilang partner.

"Malapit na Cley. Ineenjoy pa namin kung anong meron kami ngayon. Pero darating na din kami dyan." Sabi naman ni Ara

"Akalain nyo yun? Noon mga projects at assignment lang inaatuag natin noong senior high ngayon heto na tayo. Matatag parin yung friendship at may mga minamahal na" ani naman ni Glen na medyo naluluha na

"Hoy bawal umiyak dito ahh. Ikakasal ako hindi ako mamamatay" pagbibiro ko na ikinatawa naman nila

"Haha iba talaga nagagawa ng pag-ibig no? Noon hindi ka namin makausap ng pabiro dahil napaka tahimik mo, ngayon nangunguna ka na kasama ni Jia sa kalokohan"

Bumalik sa aking alaala lahat ng sinasabi ni Glen. May mga time na sobrang tahimik ko pala na talagang hindi ko sila kinikibo. Pero ng dumating si Jia sa buhay ko nabago ang lahat. Unti unti akong lumalabas sa comfort zone ko which is good naman dahil natutunan kong makipag socialize sa maraming tao.

"It is a bad thing?"

"No" mabilis na sagot ni Ara "gusto ka din naming tulungan noon pero hindi namin alam kung paano. Kaya sabi sakin ni Glen na hayaan ka sa kung anong gusto mo basta kami mananatili sa tabi mo at ganoon nga ang ginawa namin para hindi mo ma feel na nag iisa ka. Palihim kaming nakasubaybay sayo. Kaya nga hanggang college sinundan ka namin kung saan mo gustong mag enroll eh"

Ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na ito. Ganoon talaga nila ko pinahahalagahan? Na kahit na hindi ko sila madalas kinikibo noon ay naka support pa rin sila sa akin? Gustong pumatak ng luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko dahil masisira yung make up ko.

"Bakit?" Tanong ko

"Simple lang. Dahil sa pinapakita mong care sa aming dalawa. Oo tahimik ka. Oo hindi mo kami kinikibo minsan pero once na napahamak kami ikaw yung unang taong magtatanong kung napano kame. Ikaw yung unang taong magpaparamdam sa amin na mahalaga kami. Ganoon ka kaprotective pagdating sa mga kaibigan mo. Kaya maibalik namin yung kabutihan mo hindi ka namin sinukuan. Hanggang sa makilala mo yung taong handang harangan lahat para makalabas ka lang sa comfort zone mo at iyon si Jia." Sagot ni Glen

"And when Jia, Jan and Yves comes to our lives? Hindi namin expect na magkakasundo kayong dalawa. Knowing na Jia and Yves are so Hyper. Salungat yung ugali nyong dalawa. Then nung napapansin naming napapalapit na kayong dalawa sa isa't isa doon namin nasabi na "ito na yon. Si Jia na ang magiging sagot ng lahat" that's why look at you now? We're happy because you're happy too. That's big smile on your face when she's around? Kakaiba. Congrats friend " tugtong ni Ara na nagpabuhos na ng tuluyan ng luha sa pisngi ko

More than BeforeWhere stories live. Discover now