CHAPTER 1: This is not your Son Sir!

22.2K 292 1
                                    

Chapter 1

Hi. I am Seraphina Aleeza Ambani. 22 years old and a college student. I have a part time job sa gabi at aral sa umaga. I'm not poor, but I wanted to be a independent woman.

Also I have a secret to tell you... I am a single mom, yes habang nag-aaral ako may anak ako na nasa Condo ko, at inaalagaan ng temporary yaya ko kapag may pasok ako, kung wala naman ay pinagtuonan ko ng pansin ang anak ko.

"MOMMY YOU SAD?" tanong ng anak ko sa akin, nasa edad lima na ito, napangiti ako sa kanya habang hawak-hawak ang kamay nitong maliit, nasa park kami ngayon nagliwaliw dahil wala akong pasok ngayon.

He's a smart boy and a wise boy. Sa murang edad nito ay masasabi ko na napakatalino nitong bata. Masasabi ko na maliit na porsyento lang ang nakuha niya sa akin.

Mahilig ito sa Math, na masasabi ko na sa lalaking iyon ngang talaga ito nakuha ang halos lahat ng anak ko.

Ang lalaking gustong ipalaglag ang batang dinadala ko. Ang lalaking hindi ko ka-ano-ano pero binuntis ako. Inshort one night stand. Kilala ko ito sa mukha pero sa pangalan at kaledad nito hindi.

Dahil sa isang gabi, sa kalasingan ko, nagbunga ang lahat at si Wade ang labas.

The name of my son is Wade Hampton Ambani.

Sa akin lang ang anak ko. Wala ng karapatan ang ama niya sa kanya dahil in the first place nung sinabi ko sa kanya na nagdadalang tao ako sa anak niya. Mabilis nitong sinabi na abort the child. Neknek niya! Ayokong dagdagan ang kasalanan ko. Kasalanan na ngang nakipagtalík ako sa kanya, papátáyin ko pa ang bata, na napakainosente sa mundo.

"No, baby why your asking hmm?"

"Cause I see that you're sad Mom" anito. Aww. Ang cute talaga ng anak ko.

"Mommy's alright okay, don't worry" sagot ko sa anak ko at yumuko para halikan ang noo nito.

"I love you Mommy" anito.

"I love you more baby, ba't ang sweet mo ngayon ha?" Pang-aasar ko rito.

"Mommy!" namumulang wika nito at yumakap sa akin. Natawa na lang ako at hinayaan itong yumakap sa akin ng mahigpit.

Magsasalita na sana ako nang makita ako ng tatlong kaklase ko sa college, ngumiti ito sa akin, at lumapit na nginitian ko rin naman pabalik.

"Hi Leeza! Hi Wade! Ang pogi pa rin talaga, hihintayin kita paglaki mo ha" malandíng wika ni Jeroff na bakla kong kaklase na ikinatawa namin at tumago naman si Wade sa likod ko.

"Hi Te"

"Hi Ga!"

"Hello, ahmm, sensya na sa anak ko ha"

"Sus! Ayos lang te, saan ba kasi nagmana iyan? Bakit ang pogi!" Usal ni Jeroff na tinignan na parang nang-aasar kay Wade.

"M-Mommy--" nauutal nitong wika na parang natatakot na.

"O siya tama na hahaha, saan ba punta niyo?"

"May date kaming tatlo te" sagot ni Alexa na ikinacringe naman ni Jeroff at ikinasuka suka pa ni Hannah na ikinatawa ko lang.

They're bestfriend, sa room pa lang ay ganito na talaga ang mga ito.

"Babye na te baka naka distorbo kami ng date niyo ni Little prince my luv na hihintayin ko paglaki-aw!" Usal ni Jeroff na ikinapingot ni Alexa sa tenga nito papalayo sa amin.

Nang makalayo ang mga ito ay tumingin ako sa anak ko na nakatingin na sa isang dirty ice cream.

May bumibili roon na isang lalaki na may kargang bata na kaedad lang siguro ni Wade. Biglang may pumitik sa puso ko. Nalulungkot ako at nasasaktan para sa anak ko.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon