CHAPTER 13: Unexpected

5.9K 109 1
                                    

Chapter 13

SERAPHINA POV.

"I'm so disappointed in you Aleeza" bakas sa boses ng Tatay ko ang disappointment.

Nakatitig ako rito at pinapamilyar ang mukha. Ewan ko ba bakit nandito ako ngayon. Kausap ito sa isang open area sa labas ng Vullíta Resto. Maganda ang view sa labas. Katabi ng dagat at maraming iba't ibang uri ng langgam sa unahan.

May nagtata-asang building na tinatabunan ang sinag ng araw.

Hindi ako sumagot at napayuko. Nanginginig ang mga kamay ko. Sa totoo lang hinihiling ko ang ganito, na magka-usap kami. Hinihiling ko na sana may pagkakataon hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa. Pero minsan talaga may nakakagulat na lang ang mangyayari na hindi mo inaasahan.

Strikto ang mukha ng Tatay ko pero bakas pa rin rito na may hitsura ito. Kahit nasa edad na ay hindi halata sa katawan nito dahil batak sa gym. He is cold but when his beside mom, he's like a puppy. Pero ngayon hindi ko na nakikita ang dating Tatay ko. Kinasusuklaman na ako.

Nanginginig at nangingilid ang luha ko. Namimiss ko siya. Nasa harapan ko lang siya pero hindi ko magawang yakapin at sabihin na miss na miss ko na siya. Dahil hindi na katulad ng dati.

"Naglayas ka pa talaga, hinayaan kita ng ilang taon, dahil ang akala ko babalik ka" seryuso nitong wika na ikinataas ng tingin ko sa kanya.

Malambot na ang mukha ni Tatay pero bakas pa rin roon ang kaseryusuhan. Umiwas ito ng tingin na parang hindi talaga ako nito kayang tignan, ewan ko ba nasaktan ako dahil sa pag-iwas ni Tatay.

Galit ba talaga siya sa akin?

"Ano po bang gusto niyo talagang sabihin?"

Pinipigilan kong pumiyok dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Kahit pala galit ako sa sarili kong ama ay may respeto pa rin ako.

Ang tanong kasi bakit nakipagkita siya sa akin? Bakit anong purpose? Diba alam na nito ang dahilan kung bakit ako umalis? Nagtagumpay kaya ang bagong mag-ina niya sa gustong gawin sa akin.

"Tell me, what's the reason bakit ka umalis sa bahay?" anito.

Pagak akong natawa. Natatakot man pero natatawa ako sa tanong nito.

"Diba alam mo na ang dahilan?" sarkastiko kong sagot na ikinatingin ni Tatay sa akin ng masama pero hindi ako natatakot.

Humigpit ang hawak ko sa kamay sa ilalim ng lamesa na nasa legs ko. Doon ako kumukuha ng lakas.

"Useless reason Aleeza, dahil lang sa grades naglayas ka?" maririnig ko ang galit sa boses nito.

Napatulala ako sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin?

"H-Ha? Grades?"

"Yes, you said to them that your grades are so low," anito.

Natawa ako ng malakas.

"Silence aleeza"

Pero natawa pa rin ako. Sabihin ng bastos pero anong rason iyon? Pang elementary lang?

"I-I'm sorry my bad" pinipigilan kong matawa ulit napapahid pa ako sa gilid ng mga mata ko dahil may luha iyon.

"Naniwala ka naman?" usal ko sabay ngiti ng mapait kay Tatay. "Syempre anak at asawa mo eh kaya maniniwala ka talaga" pahabol ko.

"Anak kita Aleeza" he said while seriously sipping his coffee.

Napayuko ako at nanlalaki ang mga mata dahil parang sumikip ang dibdib ko. Naramdaman kong gusto ko na talagang umiyak.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora