CHAPTER 35: No one else

4.5K 105 4
                                    

Chapter 35

SERAPHINA POV.

"Aalis ka na naman? Ahh diyan ka pala magaling.." sarkastiko nitong usal na ikinalunok ko.

Nasasaktan ako pero totoo kasi ang sinabi nito. Nanginginig ang mga kamay ko ang mga tuhod ng pasadahan nito ang buong katawan ko.

"You have the guts to show up for the past 4 years Seraphina?" ramdam ko ang galit sa boses nito kahit sobrang ingay.

"4 fvcking years?! No text? No excuses? No calls? Really?" anito habang nakakunot ang noo ngunit nanlalambot ako.

Ayokong maiyak ngayon, pero naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.
Hinila ako nito at hindi ko alam kung saan, nagpahila ako dahil wala akong lakas.

Bakit ang bilis naman. Maliit lang ba talaga ang mundo? Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa braso ko, mahigpit iyon at nasasaktan ako.

May nabangga ako pero hindi man lang tumigil si Vile, hindi man lang ako tinignan kung maayos lang ba ako.

Kasalanan ko naman kasi.

Nang makalabas ay binitawan nito ang kamay ko. Nakatalikod ito sa akin, nakita ko ang malalim na buntong-hininga nito.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala paring pinagkaiba, mas bumilis lang ngayon.

"V-Vile" usal ko at sa apat na taong pagtatago ay ngayon ko lang ulit nasabi ang pangalan na iyon ng may emosyon.

Napayuko ako at naluluha. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ako, he deserves an explanation because I'm his girlfriend.

"Boyfriend mo ako Seraphina" anito na ikinatingin ko rito at nakita ko ang namumula nitong mga mata pero wala paring itong emosyon.

Napalunok ako at napalabi dahil hindi ko kayang marinig ang masakit na paraan ng pagsasalita nito.

"Are you just playing with my feelings? Then God Job!" anito na ikinakaba ko.

"N-Nagkakamali ka Vile–"

"Mali? Ikaw ang may mali sa ating dalawa! Umalis ka kasama ng anak natin ng hindi man lang sinabi ang rason." napahilamos ito habang namumula ang mukha, "A-Akala ko iba ka" at doon na ako napahikbi sa sinabi niya.

Nasasaktan ako sa sinabi nito pero nasasaktan ako sa nasasaktan nitong expression.

"Vile magpapaliwanag ako," usal ko at hinawakan ang kamay niya pero sa gulat ko ay iwinaksi niya iyon. Napatakip ako sa bibig para pigilan ang iyak ko.

"Let me explain please Vile" pagsusumamo ko pero nakatitig lang ito sa akin ng walang emosyon.

"Explain for what? Na nagsisisi ka?"

Napatingin ako sa mga mata nito. Naluluha ako dahil hindi na talaga ganito ang mga mata na nakasanayan ko.

"H-Hindi ako nagsisisi Vile dahil may rason ako"

"Great then" he said coldly na hindi ko talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko, para akong nahihirapan sa paghinga.

"M-May rason kasi ako Vile kung bakit ko ginawa iyon" pinipigilan ko ang hikbi sa bawat salita ko.

"May rason ka pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Ahh boyfriend mo lang pala ako hindi asawa... Malayo pa ang karapatan ko sa buhay mo" anito at natawa ng pagak sabay hawak sa likod ng ulo nito at kagat ang labi.

"Makikinig ka ba kung sasabihin ko ang rason?"

Walang gana itong napatingin sa akin. "So long Seraphina too long... kaya nasanay na akong wala ka kaya lang nakita kita kanina bumalik iyong ginawa mo"

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon