CHAPTER 6: Heir

7.2K 133 4
                                    

Chapter 6

SERAPHINA POV.

Ang bilis ng tibok ng puso ko nang lumingon ito sa akin at nakita ko ang mukha nito na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nag-igting ang mga panga nito at may galit sa mga mata habang pinag-aralan ang mga sugat ko.

Matagal ang pagtitig niya sa kamay ko na ikinatingin ko rito sabay tago non sa likuran ko. Hindi ko magawang sabayan ang titig nito. Iyong kaba ko ay dumodoble na.

Sa mga nakatingin ngayon, sa kanya. Hindi naman ako kinakabahan kay Jewel, sino ba siya para kabahan ako.

"Vile you don't remember me?" Rinig ko kay Jewel na mukhang pinipilit talagang pansinin siya ni Vile.

Napatingin ako kay Vile nang tumingin ito kay Jewel. Ewan ko ba parang bumigat ang kalooban ko. Hindi ako natutuwa na hindi ko ikinatuwa.

Napayuko ako at napabuntong-hininga. Gusto kong umalis sa harapan nila. Nakaka-agaw na kami ng pansin.  So magkakilala sila noon?

"Are you hurt?" he said coldy na mabilis kong ikinatingala rito dahil sa paghawak nito sa chin ko.

"A-Ah no" mabilis kong sagot dahil hindi ko na marinig pa ang ibang ingay dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Bakit ako kinakabahan?! Nanlalamig ako! May mga umiikot sa tiyan ko at gusto kong maiyak dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Nanghihina ako.

"M-Magkakilala kayo Seraphina?" May pagtatakang tanong ni Jewel sa akin, maririnig sa boses nito ang pagbabait-baitan pero ramdam ko iyong gigil.

"Let's go" malamig na usal ni Vile sa akin at bigla akong hinawakan sa braso sabay hila sa akin palabas sa maraming tao.

Bakit natutuwa ako sa hindi pagpansin nito kay Jewel?!

Hindi na ako nakapalag pa dahil gusto ko naring umalis doon.

Tumigil kami ng nasa labas na. Nakatayo na kaming dalawa sa labas.

"Thank you V-Vile" usal ko.

Nakayuko pa rin ako, kinakabahan ako kapag napapatingin ako sa mga mata nito.

"Look me in the eyes, Seraphina" anito na mabilis ko ring sinunod dahil sa paggamit nito sa boses na hindi ko mahindian.

Napapalunok ako nang magtama ang paningin namin. Pero ang mga mata nito ay tinignan ang bawat sulok ng mukha ko at pababa sa katawan ko na ikinasiwa ko.

"Follow me let's handle your wounds" anito.

"W-Wag na kaya ko naman,"

Tinignan ako ni Vile ng masama na ikinakaba ko. Anong ginawa ko?!

"I don't want to repeat myself Seraphina" anito. Hindi na ako nakapalag pa nang binuksan nito ang malapit na kotse na ikinagulat ko. Napansin ko iyon pero sa kanya pala iyon. Nagdadalawang-isip akong pumasok dahil mukhang napakamahal non, hindi nababagay sa katulad ko.

Nang makasakay ako sa backseat, nagtataka ako dahil malamig akong tinignan nito sa mirror at gamit ang labi nito ay tinuro niyon ang katabing upuan sa passenger seat.

"I'm not your driver Seraphina so sit beside me" anito na ikinapula ng mukha ko.

Tumango ako at mabilis na lumabas at at pasok sabay sakay sa kotse at sara ng pinto.

"Better" anito sabay andar ng kotse nito.

"Ibalik mo ako rito Vile ha hindi kasi ako nakapag-paalam sa amo ko at saka baka mawalan ako ng trabaho " nag-aalalang usal ko dahil napaka-importante ng trabahong iyon sa akin.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon