CHAPTER 39: Miss

4.6K 103 6
                                    

Chapter 39

SERAPHINA POV.

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang hinihintay si Vile na makarating sa kung saan ako nakatayo. Para akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko, nanlalambot ang tuhod ko at ang sarap sa pakiramdam nang masabi ko ang salitang iyon ng malakas, may kumpyansa at walang pag-aalinlangan.

"Say it again?" anito sa paos na paraan at parang gusto pa ng kumpermasyon kung totoo ba ang sinabi ko.

Naiiyak ako dahil sa tanang buhay ko ngayon ko lang naranasan ang magdesisyon ng hindi labag sa kalooban ko.

Oo gusto ko ng kalayaan pero hindi naman ako masaya, dahil wala siya.

"Gusto kong maging malaya, oo pinagbigyan mo na ako, hinayaan, dapat maging masaya ako pero... Pero hindi ko magawa! Hindi ako masaya.. mas mabuti ng makulong dito sa Mansion at least kasama ko ang nagpapasaya sa akin, ang taong nagpapasaya sa akin... V-Vile I retract my decision... M-Mahal na mahal kita eh!" At doon na ako humagulhol nang niyakap ako nito naramdaman ko ang paghigpit non at ang paghalik niya sa noo ko.

"God baby," anito at parang habol pa ang hininga, "You don't know how much you make me fool, obsessed with you," anito na ikinayakap ko sa kanya lalo.

Wala na akong paki kung may nakakita sa ginagawa namin. Bakit ko pa ikakahiya kung mahal ko naman ang taong kayakap ko.

"Promise me don't do reckless things ever again," anito sa bulong na paraan na ikinatango ko at naramdaman ko ang pagpahid ng kamay nito sa mukha ko dahil punong-puno iyon sa luha.

"Don't cry, ayokong paiyakin ka mas gusto ko na paiyakin ka sa paraang gusto ko, iyong masasarapan ka" anito na ikinahampas ko sa dibdib niya at narinig ko ang mahinang tawa nito.

"Ang manyák talaga ng bibig mo" pero napangiti ako nang tumingala ako ay may nakita na akong kislap sa mga mata niya. Sa lalaking mahal ko.

"I'm sorry sa lahat ng ginawa ko, kapag may gagawin ako at mga complaints ay sasabihin ko na talaga"

"Hmm.." anito at hinawakan ang pisngi ko na ikinapikit ko.

"You're really sorry baby?" he said horsely to my ears na kami lamang ang nakakarinig.

"Of course!" seryuso kong wika pero bigla akong kinakabahan nang nakita ko ang pag-smirk at kung ano sa mga mata nito.

"If you really feel sorry... Can I have my ways to you?"

Nanlalaki ang mga mata ko at napa-atras sa kanya. Anong ibig sabihin nito? Na ano? Make love?! At para ng sasabog ang mukha ko sa sobrang pula.

--
Hindi pa rin ako makapaniwala na ayos na kami ni Vile. Nakaupo ako ngayon sa lilim ng mangga kasama si Nay Mercedita, ito iyong matanda na kausap ko noon kung saan dinala ako ni Vile dito sa lugar na ito para magtanim ng palay.

Bumalik kami rito dahil sa kagustuhan ko, namimiss ko kasi ang lugar na ito. Nakita ko si Vile na nag-aararo sa gitna ng uma, hubot baro ito at nakaka-attract ang katawan niya sa mga dalaga na nandito.

"Ang gwapo talaga hahays!"

"Kung natanggap lang sana ako bilang maid baka araw-araw kong masisilayan si Senorito Vile"

"Sus kaya hindi ka natanggap dahil lalandi ka lang sa loob ng Mansion!"

"Peck you bhie! Panira ka ng moment, mga tatlong taon narin nung hindi ko nakita si Senorito at himala bumalik siya rito ngayon"

"At ikalawang beses ko ng nakita ang babaeng kasama niya what if?!"

"Weeee girlfriend niya o asawa na?!"

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Место, где живут истории. Откройте их для себя