CHAPTER 50: Dancing Quietly

4.6K 88 4
                                    

Chapter 50

SERAPHINA POV.

"Mamaya ka na magpaliwanag sa bahay" malamig nitong usal at hinila na ako papasok sa loob.

Ito na nga bang sinasabi ko! Nagtatampo at mahabang explanation na naman ang kailangan! Tinignan ko si Kuya Rifil ng masama pero ang loko nakangiti lang ng mapang-asar.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang siyang hilain ako. Napalunok ako nang makita ang tatlong kabaong na nasa sala. Napatigil kami at tinanggal ni Vile ang kamay sa kamay ko.

Sa bawat kabaong ay may mga upuan na nakahilirang parihaba. Nasa sala kami, at wala na iyong mga couches na malaki, mga gamit na mga TV, napalitan ito ng isang malaking espasyo at nandoon ang tatlong kabaong.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa isang kabaong na nasa gitna. May pangalan sa ibabaw roon na Rest in Peace.

Jewel Lane  Ambani.
Date Of Birth—Date of Death
03|25|2000—01|25|24

Hindi muna ako napatingin sa loob ng kabaong nanatili akong nakatingin sa pictures niya na nasa harapan ko lang. Nakangiti ito at napaka-genuine ng ngiti. Naalala ko ang picture na ito. Si Papa ang nagpicture sa kanya nito.

Napangiti ako ng tipid habang inaalala iyon.
Papasok ako noon ng bahay dahil galing ako sa paaralan, college na ako pero napatigil ako nang narinig ang halakhakan ni Papa at ng bagong pamilya niya.

Nanatili ako sa isang paso, dahan-dahan napatingin sa gawin nila. At pini-picturan ni Papa si Jewel at maya-maya ay sila namang tatlo.

Habang ako ay nanatiling nagtatago. Na parang sa mga oras na iyon ay gusto ko na lang maibaon sa lupa dahil nasasaktan sa nakikita.

Napabuntong-hininga ako at napangiti, napatingin sa kabaong ni Jewel. Nawala ang ngiti ko nang makita ang maamo nitong mukha. Napakaganda.

Nakakapanghinayang. Ang daming unexpected na nangyari. Malalaman at magugulat nalang tayo na nangyari na pala at hindi na maibabalik pa.

"Ikamusta mo ako kay Dad" mahinahon kong wika at napatingala at napalunok dahil iiyak na naman ako. Ayoko ng umiyak.

Umalis ako sa harapan ng kabaong niya at lumapit ulit kay Vile na naghihintay sa akin, nakatingin lamang ito na parang kanina pa ako binabantayan. Hindi man lang umalis sa pwesto nito. Ano ba ito robot? Hindi man lang umupo.

"Done?" anito na ikinatango ko. Hindi na ako lumingon pa sa ibang kabaong. Baka hindi ko na kayanin. Kahit kadugo ko pa ang isa ay hindi ko kaya lalo na at ito ang dahilan kung bakit nangyari sa akin ang lahat ng ito.

"Let's go," malamig nitong wika pero pinigilan ko ito at hinawakan ang braso nito. Napatingin si Vile sa akin.

"May kakausapin mo na ako" wika ko.

Napakunot ang noo ni Vile. Pailalim akong tinignan.

"Who?"

"S-Si Kuya Rifil"

"No, let's go home" sa boses nito ay parang tinapos na nito ang usapan pero matigas ako. Baka hindi ko na makaka-usap pa si Kuya Rifil, aalis na naman ito. Bigla-bigla na lang itong mawawala na parang bola.

"V-Vile mga 15 minutes lan—"

"Don't make me repeat myself baby." may diin na wika nito na ikinalunok ko dahil sobrang lamig non..

"O-Okay...Uuwi na tayo" suko ko at hinila ako nito sabay hawak sa bewang ko, sakto lang ang higpit non sa bewang ko.

Siguro baka bigyan ng pagkakataon, magkita ulit kami ni Kuya Rifil. Napatigil muna kami ni Vile dahil may humarang sa amin na mukhang kilala siya, pinakilala naman ako ni Vile na fiance niya na ikinapula ng buong mukha ko.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon