CHAPTER 8: Again

6.8K 127 3
                                    

Chapter 8

SERAPHINA POV.

Ilang araw ng nangyari iyon at ilang araw ko na rin na hindi nakikita si Vile. Parang magpapakita lang ito kapag nasa panganib ako o sadyang coincidence lang ang lahat.

Napabuntong-hininga ako at napalingon sa gawi kung saan doon minsan umuupo si Vile at ang mga kasama nito.

Wala ito roon. Wala ang tatlo roon at palagi talagang wala ang mga iyon kapag Huwebes. Napapansin ko iyon dahil agaw-pansin kasi ang tatlo. At mahina rin ang binta kapag araw ng Huwebes dahil mukhang ang mga babae ay pumarito lang para sa tatlong lalaki.

"Wala sila?"

"Sayang naman, uwi na lang tayo bhie"

"No, let's just drink a bit ok"

"ok"

Rinig ko sa bagong dating na customer.
Malapit na ang uwian ko kaya naglilinis na lang ako sa mesa.

--

Binuksan ko ang pintuan ng condo ko at napakatahimik. Gabing-gabi na kasi, nanghihina akong napaupo sa couch. Tinamad akong maligo gusto kong matulog, humahapdi ang mga mata ko.

Pero ang katawan ko lang ang napapagod pero ang isipan ko ay hindi. Naalala ko pa iyong araw na muntik na akong makuha ng mga tatlong tao, pero dumating si Vile sa isang tawag ko lang ng pangalan niya.

At bakit ang dami niyang kasama sa araw na iyon. Sino ka ba talaga Vile?

Hindi ko pa nga talaga kilala ang ama ng anak ko.

Unti-unti akong dinalaw ng antok at dahil sa pagod ay nakatulog na ako.

Naalimpungatan ako nang may humalik sa pisngi ko, "Mommy" bulong ng anak ko na ikinangiti ko. Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin at sumiksik sa leeg ko.

"Mommy. Mommy." anito at humagikhik sa leeg ko na ikinatawa ko.

"Goodmorning handsome"

"Mommy it's the day" masayang usal ng anak ko sa akin.

"Hmm?" nagtataka kong usal dahil ano ba ang gagawin niya ngayon.

Napalingon ako sa bintana at mag-uumaga na pala. Sa sala na talaga pala ako nakatulog.

"Mister and I we're going to travel" anito at mayabang na naka cross arms na sa harapan ko.

"Ngayon na ba iyon?"

Naalala ko na Sabado pala ngayon.

[TOK.TOK]

Mabilis akong napalingon sa pintuan, bigla iyong tinakbo ni Wade na hinayaan ko lang dahil ewan ko ba sa sarili ko bigla akong pumasok sa kwarto ko at hinahanap ang salamin.

"N-Nasaan na ba iyong salamin?"

Para akong baliw na hinahanap ang salamin at nang mahanap ay tinignan ko ang mukha ko at ganun na lang ang panlalaki ng mukha ko nang mukha akong niràpe sa mukha ko ngayon.

Mabilis akong pumasok sa CR at doon naligo. Iniisip ko pa lang na nandoon na sa sala ang taong hinahanap ng utak ko sa nagdaang araw ay nanlalamig na ako.

Ano bang nangyayari sa sarili ko!

Napatigil ako nang may narealized. Bakit ba ako tumakbo? Bakit nagiging conscious ako sa mukha ko dahil lang nandito si Vile sa condo ko? Eh ang hinahanap at ang pakay lang nito ay si Wade.

Napatingin ako sa sarili sa salamin na maliit sa CR at nakikita ko ang sarili kong ekspresyon na pulang-pula na ang buong mukha sa kahihiyan.

Napalingon ako sa pinaglalagyan ko ng towel nang napatampal ako sa ulo ko dahil sa pagmamadali hindi pala ako nakadala ng towel at damit.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now