CHAPTER 40: Revelation

4.8K 121 8
                                    

Chapter 40

SERAPHINA POV.

"Wade paanong?" puno ng pagtataka kong tanong nang makumperma na siya nga talaga ang anak ko. Napatingin ako sa kasama nito at si Leon iyon na nagkakamot sa batok at hindi makatingin sa akin.

"Let's talk later Zeppala" wika ni Vile na nasa likod ko na at parang naiinis ito.

"D-Dad" wika ng anak ko na nakatitig na sa ama nito na ikinatingin ko kay Vile na nakatingin din kay Wade at puno iyon ng pangungulila.

"How are you Son?" malamig pero may lambot sa boses ni Vile na ikinalabi ng anak ko at ikinangilid ng luha nito.

Tumakbo ito patungo kay Vile at niyakap ang ama nito kahit basa pa si Vile. Hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil ako ang dahilan kung bakit nawalay si Wade sa ama nito.

Iyong hanggang legs lang si Wade noon kay Vile ngayon ay hanggang bewang na siya nito.

Napatingin ako ulit sa kanila at lumambot ang expression ko. Ngayon na kompleto na kami hahayaan ko pa ba ulit itong masira? Ayoko na. Tama na. Gusto ko ng maging masaya. Kasama ang pamilya ko.

"Wade anak basa ka na, baka magkasakit ka niyan" wika ko nang hawak na ako nito sa kamay, hindi nito binibitawan ang kamay ko na ikinataka ko.

"I'm fine Mom. I'm a big boy na" sagot nito na ikinangiti ko. Inayos ko ang buhok nito na nakaharang sa noo nito. Hinalikan ko ang ulo niya sabay tingin kay Vile at nagsabi ng 'thank you ' ng hindi maririnig pero naiintindihan nito.

Alam kong siya ang kumuha kay Wade. Siguro ang trabaho ko sa Dubai ay mamaya ko na kakausapin ang manager ko na titigil muna ako pansamantala, baka may pagkakataon na makabalik ako roon dahil may dapat pa akong asikasuhin doon.

"Let me carry you baby"

"No Mommy, it's not good to see I am a boy you're a girl so if I am tall ang bulky enough I'll carry you everyday " anito na ikinatawa ko at ikinatikhim ng dalawang lalaki sa likod namin habang naglalakad na kami pabalik sa Mansion.

"Son you don't need to do that" rinig kong sabi ni Vile na ikinatigil ni Wade at ikinalingon ko narin sa likod na nakita ko pa kung paano tinignan ng masama ni Vile s Leon na may ngiting mapang-asar sa labi nito.

"Why?" pagtataka na tanong ni Wade.

"That's my duty" anito at seryusong napatingin sa akin.

--
Masaya ako dahil pinapansin na ako ng anak ko. Parang balik sa dati ganoon ang nangyari. Ang pag-ingay ng Mansion dahil sa batang nandito na kinasasabikan ng lahat. Dahil napamahal na sa kanila si Wade.

Nakadungaw ako sa sala, nasa second floor ako at nakita ko si Wade na kausap ang mga taong nakasalamuha niya rito sa Mansion. Napangiti ako dahil kahit maraming nagbago sa anak ko ay ganun parin ang turing niya sa mga taong naka-close niya sa Mansion.

May naramdaman akong nakayakap na sa bewang ko at ang pagdantay ng ulo nito sa balikat ko. Bigla akong kinakabahan at namula bigla. Walang nagsasalita pero kilala ko ang taong ito, ang amoy at aura palang ay kilalang kilala ko na kahit mabulag man ako.

Naging malalim ang paghinga ko nang dumampi ang malambot nitong labi sa balikat ko, naka off shoulder na dress kasi ako. At nakapuruntong ang mahaba kong buhok.

"Smell good" anito na ikinahawak ko sa isang braso nito na nakayakap na sa katawan ko at ang isa ay nasa gilid lang ng kamay ko at parang nilock ako nito.

"T-Tapos na ba kayong mag-usap ni Leon?" tanong ko na ikinatango nito.

"Yeah" anito.

Malamig ang hangin ng gabi pero hindi ko ramdam dahil sa malaking tao na ikinukulong ako sa bisig nito.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon