CHAPTER 51: Possessive

5.5K 98 3
                                    

Chapter 51

SERAPHINA POV.

"What kind of Date do you like?" he said then sneered.

"Hmmm... Gusto ko iyong more nature Vile. I want a simple date basta kasama ka" sagot ko na ikinakunot ng noo nito at tinignan ako ng malalim sa mga mata na ikinakagat ko ng balat sa loob ng pisngi ko dahil natutuwa talaga ako sa ekspresyon na pinapakita niya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi naman sasabihin ni Vile. Kanina pa ako tanong ng tanong pero ang sagot nito ay taliwas sa itinatanong ko.

Ang mga anak naman namin ay nandoon lang sa bahay, kasama ang mga personal maid ng mga ito. Gusto ko sana silang isama pero sabi nga ni Vile date namin ang araw na ito.

"What are you thinking about?"

Napalingon ako sa kanya na seryuso lang sa pagdadrive. Lahat na lang ng soot nito ay bumabagay sa kanya.

"Our date" sagot ko, he smirked while licked his lower lip.

"Excited baby?" baritonong wika nito na ikinangiti ko at iwas ng tingin sa kanya at nakatingin na ngayon sa labas.

"H-Hindi no.." sagot ko kahit ang totoo naman ay excited talaga ako.

Bawat billboard na nadaraanan namin ay tinitignan ko, baka nandoon pa ang mukha ko.

"Vile saan mo nakuha ang picture na pinabillboard mo kanina?" nagtataka kong wika at umayos ng upo. Dahil sa pagkaka-alam ko hanggang Dubai lang ang picture na iyon walang pwedeng ma licked dahil nasa contract namin iyon ng manager ko na hinahanap na ako dahil wala na akong paramdam pa.

"I have my ways Seraphina. I'm not Vile Montgomery for nothing " sagot nito na ikinanganga ko dahil ang lakas din ng apog nito minsan.

Nang makarating kami sa isang...resort. Yes, resort siya na malapit sa dagat pero ang nakakamangha lang at nakakadala sa view rito ay ang porma ng resort na parang forest. May mukhang hanging garden. May mga maliliit na bahay kubo na sa bawat kubo ay may mga pananim. Fresh fruits and vegetables.

Napanganga ako at nilibot ang paningin sa Isla. Nasaang parte ba kami ng mundo?

Hawak ni Vile ang kamay ko habang papasok na kami sa gate na gawa sa napakalaking metal na may mga fresh leaves pa na design at ang pangalan ng resort. The resort's gate are big and wide pero hindi iyon dahilan para hindi mapansin ang napakalawak at ganda ng lugar.

"Welcome! Good Day Ma'am and Sir! This way please follow me!" masigla at masayang wika ng isang babae na may soot na uniform. Tourist guide. May ipinasoot ito sa amin na parang medal na kahit nagtataka ako ay hinayaan ko na lamang.

"Don't fvcking—"

"A-Ako na Miss." Mabilis kong wika nang ipapasoot sana ng babae ang isang medal kay Vile pero mukhang ayaw ng Senorito at parang pinapátáy ang babae sa aa tingin.

Napapahiya namang napayuko ang babae at tinanggap ko ang binigay nito sabay hila sa kuwelyo ni Vile na ikinagulat nito.

Isinoot ko ito sa kanya at binulungan. "Wag mo ngang takutin masisira ang date natin, tsk." I said na tinignan siya sa mga mata pero tinignan lang ako nito at inilingan ako pero nakita ko ang pagpigil ng ngiti nito sa labi.

"You'll notice the lush tropical gardens surrounding us. This is not just for aesthetics; we've carefully selected these plants for their calming properties, creating an atmosphere of tranquility and peace." Professionally said by the Tourist guide.

"Now, if you look to your right, you'll see our stunning infinity pool. It's the perfect place to relax and soak up the sun, and it offers a breathtaking view of the ocean. Don't forget to enjoy a romantic sunset swim with your partner. "

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें