CHAPTER 30: Then Beg

4.9K 85 0
                                    


Chapter 30

SERAPHINA POV.

"Wag niyong papasukin ang babaeng iyan dito ha!" Galit na wika ni Kishamae habang papasok sa loob, pumasok ito sa elevator at para itong batang inagawan ng kendi.

"Hahays baliw na baliw talaga iyong si Ms. Kishamae kay Senorito Vile tsk tsk tsk" Napapailing na sabi ni Lucia na ikinatingin ko na lang sa nakasarang elevator.

"Maganda siya, pero kahit kailan ay hindi man lang siya napapansin ni Senorito Vile" usal naman ni Khyra.

Napatingin ako sa labas nang maka-alis na ang kotse na sakay si Jewel. Gusto kong malaman kung bakit pabalik-balik sa Jewel rito? Wag niyang sabihin na ipapátay na naman niya ako. Ang sama naman niya kung ganon. Ano bang ginawa ko sa kanya para magalit ito? Umalis na nga ako sa pamamahay na nila. Wala naman na akong babalikan doon.

Nasa kanila na ng Mommy niya ang lahat ng sa amin ng Mommy ko ano pang pinuputok ng butse nito.

Nagtitimpi lang ako pero malapit na akong sumabog sa galit. Hindi na makatarungan ang ginagawa nila.

Simula ng nagawa ni Papa sa anak ko na hindi ko man lang narinig ang kapatawaran ay wala na akong kinikilalang ama pa.

Ang isang katulad niya ay hindi na dapat pang pagtuonan ng pansin dahil kahit ama ko pa siya ay sumusubra na talaga.

"Luna Sera pinapatawag ka ni Mrs. Montgomery, just follow me"

Napatango ako kay Butler 9, sumunod ako rito at nang makarating sa Garden, nakita ko siya roon at katabi si Wade. Napakunot ang noo ko ang bilis naman nagkamabutihan ng loob ng dalawang ito.

Nang makarating sa kung nasaan sila.

"Mommy!" Masayang bati sa akin ng anak ko at niyakap ako sa bewang. Ngumiti ako sa anak ko at inayos ang magulong buhok at may pawis nitong noo.

"Kumain ka na ba?" Usal ko at nakita ko na inaantok na ito dahil sa pag-ayos ko sa buhok nito.

Tumango ito at ngumiti sa akin. Kinarga ko ito sabay tingin kay Mrs. Montgomery na kanina pa pala kami tinignan.

Hindi ko mabasa ang nasa mga mata nito.
What does that mean?

"You may sit Seraphina" anito at ngumiti sa akin. May kakaiba talaga rito. Parang kanina lang ay parang may barriers ito ngayon ay parang hinayaan nitong pumasok ako at hayaan sa kung anong gagawin.

I hear her sighing.

"I'm sorry sa sinabi ko kanina. You know I am a mother too. Hahayaan mo ba ang anak mo na gumawa ng isang bagay na pagsisisihan niya sa huli?" anito.

Syempre no, ayokong ganun si Wade.

"Also," anito ulit at ngumiti sa akin, nagulat ako ng hinawakan nito ang kamay ko na hinayaan ko na lamang.

"Now I know why you look so familiar. You know Selestina Ambani right?" anito na ikinagulat ko.

"O-Opo nanay ko po siya" mahinang wika ko habang nakatitig sa mga mata nito na nakita ko ang saya at lungkot.

Pinisil nito ang kamay ko.

"She's my bestfriend" may lungkot sa boses nito at mabilis tumingala dahil nakita ko ang pamumula ng mga mata nito pero nakatulala parin ako.

"She's my one and only true bestfriend. I know what happened to her–"

"K-Kasalanan ko po ang nangyari " pakla kong sagot at seryusong nakatingin na sa isang puno. Ayaw kong makaharap siya. Maiiyak lang ako at nanunumbalik ang hapdi at pagsisisi ko sa mga oras na iyon.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon