CHAPTER 16: Feels like home

5.5K 110 2
                                    

Chapter 16

SERAPHINA POV.

Hindi ko magawang tumitig sa kanya dahil hindi ako sanay na makakita ng halos hubad na lalaki. At malaking lalaki pa talaga. Hindi lang simple ang katawan pagkakaguluhan pa ito.

"Move" anito at umatras ako. Napatingin ako rito dahil mukhang lalabas na ito sa pintuan.

Lalabas siya ng ganun lang ang soot?!

"I'm just kidding Seraphina," anito sabay tingin sa akin na ikinakuyom ko sa kamao ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

"My room is beside your room" pahabol nito at umalis na.

What?! Parang balíw! Muntik na akong maniwala!

"Hah! Sa dinami-raming kwarto ng Palasyo niya dito pa talaga naligo sa kwarto ko" usal ko sa sarili at napahinga ng malalim dahil kanina ko pa pinipigilan ang aking hininga.

Anong pumasok sa utak ng lalaking iyon? Magkatabi lang kami ng kwarto pero dito pa talaga naliligo sa kwarto ko.

Lumabas ako at tinignan ang kwarto nito pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil ang katabi ng kwarto ko ay isang napakalaking pintuan. Hindi ko man lang ito napansin kanina. Kulay silver na may pag ka gold iyon na mukhang gold talaga ang pintuan.

Pumasok na lang ako ulit sa kwarto ko at naligo na. Nakakahiya lang dahil nakikitira ako rito tapos wala akong ginagawa. Hindi ako sanay. May klase pa ako bukas. Sa susunod na araw ay trabaho ko naman.

Nasaan na ba si Wade?
--

"Luna Sera, the dinner is ready" wika ng isang tinig sa labas ng kwarto ko. Hindi pamilyar sa akin ang boses.

"Sige," mabilis kong sagot sabay labas, ayokong maiwan dahil hindi ko pa kabisado ang loob ng Mansion. Baka maligaw ako sa sobrang laki nito. Parang nasa Maze lang.

Hindi ko kilala ang taong sinusundan ko ngayon. Pero nakita ko sa template niya ang Butler 4. Ilan kaya lahat ng butler ni Vile?

"Excuse me, alam mo ba kung saang kwarto dinala ang anak ko?"

"First floor Number 07 East Side." malamig na sagot nito. Napatango ako.

"S-So ilang floor ang kwarto ko?"

"Fourth Floor 22 North Side" pormal nitong sagot.

Nagtataka ako nang lumagpas kami sa hagdanan pero nakasunod pa rin ako rito. Gulat na gulat ako nang makita na may elevator pala! Pero bakit naglalakad lang kami kanina?! Walang-hiyang butler 1! Parang may galit iyon sa akin ha.

"Come in Lune Sera masamang pinaghihintay si Senorito Montgomery "

"O-Oo" sagot ko at pumasok na sa elevator.

May pinindot na ito roon at naramdaman ko na umuga na ang elevator.

Walang umiimik sa amin dahil hindi rin naman ako feeling close.

At maya-maya ay parang tumigil na ang elevator at sakto bumukas iyon. Lumabas kami nakasunod pa rin ako sa Bulter 4.

As usual habang papalapit kami sa malaking lamesa na parang pang sampong pamilya ay may nakahilira roon na mga Maids malapit sa mga bintana.

Para akong nasa movie. Akala ko sa pelikula ko lang makikita ang ganitong eksena.

"Mommy!" Umaalingawngaw ang boses ng anak ko na nasa lamesa na pala.

Ngumiti ako rito. Nakita ko pa kung paano ako pinagsilbihan ng upuan ng Bulter 4.
Umupo ako roon katabi ng anak ko. Nagpasalamat ako sa kanya pero nag-bow lang ito at tumango.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now